Kaso talo pa rin ang pag-ibig dito sa atin.

Larawan mula sa teenlinkhawaii.org.

Larawan mula sa teenlinkhawaii.org.

Love wins, sabi ng hashtag kakabit ng mga profile pictures sa Facebook na pinuno ng mga kulay ng bahaghari. Masarap pakinggan, sino ba naman kasing KJ ang ayaw sa pag-ibig? Pero nang ibinalita ng Rappler ngayong araw ang isang survey na nagsasabi na 7 sa 10 Pilipino ang sumasalungat (“strongly disagree”) sa same-sex marriage, para bang inalisan ka ng karapatan mong mag-ilusyon kahit panandalian lang. Kasi, America isn’t the world, at dito sa Pilipinas, natatalo ang pag-ibig. Araw-araw.

Tandang-tanda ko iyong araw na napagtanto ko na in love ako sa kauna-unahang pagkakataon. Sinulat ko kasi sa planner, March 11, 2012 (lintik sa sobrang pagka-hopeless romantic). Sa lalaki. Ang surreal, pero nakakatakot. Sabi ko noon, i-a-acknowledge ko lang at the very least pero wala akong gagawin, kaysa naman i-ostracize ako na ng universe for reacting to my emotions. Gusto ko kayang magkapamilya (o ‘di ba, we respect LGBTQ pero we never equate them even to the idea of a family). Pero  paraphrasing REO Speedwagon (o Glee kung iyon ang naabutan mong pop culture reference), darating ka sa punto that you just couldn’t fight the feeling any longer.

Limang tao na yata ang na-unfriend ko sa Facebook mula kahapon, mga kaibigang nirerespeto raw ang sektor ng LGBTQ pero buong kapurihang tinututulan ang isang primaryong karapatan na accessible sa mga straight. Hindi ko kinakaya iyong absurdity; sa katotohanan, nanggagalaiti ako. Para bang utang na loob naming LGBTQ na hinayaan ninyo kaming mag-exist. Para bang dapat magpasalamat pa kami. Sabagay, at least hindi niyo namin kami ine-exterminate; mga LGBT-related violence lang once in a while (o ‘di ba, selected few lang). Huwag din dapat kaming mag-demand kung matagal nang nakabinbin ang Anti-Discrimination Bill sa Kongreso, kasi nga, “nirerespeto” niyo naman kami to allow us to exist in this world that God created just for you.

Ang gusto ko sigurong sabihin, ay gago kayo (gusto ko talagang magmura nang mas malutong, kaso na-inform ako na may bahid pala ng seksismo ang pagsasabi ng all-time favorite nating cuss word). Gago kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung ano ang nararamdaman ng isang paslit na paulit-ulit tinatanong sa sarili niya kung abnormal siya porke’t gusto niyang manamit sa paraang taliwas sa dinikta ng lipunan. Hindi niyo alam kung anong moral dilemma mayroon ang isang binatilyo na nakikipag-usap kay Papa Jesus tuwing pupunta siya sa simbahan, humihiling na sana ‘di na niya maramdaman iyong mga paru-paro sa tiyan niya kapag inaakbayan siya ng paborito niyang kabarkada. Wala rin kayong ideya kung gaano katinding life decision ang tinahak ng dalawang bakla o lesbiyana gayong hindi lingid sa kanilang kaalaman na sa pagkakataong isinugal nila ang puso’t kaluluwa nila sa isang against-all-odds na pagmamahalan, eksaktong hinubaran rin sila ng karapatang mayroon naman talaga sila, pero hindi nakatakda para sa isa’t isa.

Ang dami kong sinabi, pero hindi ito pagsuko. Siguro, fleeting moment of vulnerability lang. Kasi napagtanto ko, for the nth time, na ang unfair ng daigdig. ‘Di lang sa sektor ng LGBTQ, kundi pati na rin sa mga kababaihan at kalalakihan na biktima ng patriyarkal na lipunan, mga maralita na ine-exploit ng kapitalismo, at sa lahat ng clueless na tinatapakan ng sistema hanggang sa madurog ang kanilang kakayahang mangarap at mag-ambisyon ng “better place” sa konteksto ng kanta ni Michael Jackson (gaano man ka-ambiguous nito).

Sa kapwa ko LGBTQ, taas-noong pagpupugay para sa pagtugon sa isa sa napakarami pang mukha ng panlalabis. Dahil kahit pa ang sekswalidad ay hindi naman isang pagpili, ang paglaban ay oo. Para talikuran ang imahe ng pagpapanggap at tanggaping kabilang ka sa komunidad na tinapyasan ng mga karapatan ay katapangang hindi nauunawaan ng mga taong nirerespeto ka raw pero hinahadlangan ka namang magmahal.

Balang araw, mapapansin rin ng mundo ang sukdulang katangahan sa pang-aaping ito.

Advertisements

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s