Not Broken, Just Bent*

We-are-not-broken-just-bent-saying-quotes

Mabigat ang kanyang paghinga noong gabing iyon, hindi dahil may heart problem siya, kundi dahil mayroon siyang problem of the heart. Matagal na niyang inisip kung kailan ang tamang panahon para gawin iyon. Pakiwari niya, sa ika-18 birthday niya na lang. Para legal. Para walang sabit.

Pero noong gabing iyon, ginawa na niya ang matagal niyang ninanais gawin simula nang magkamuwang ang binata. Oo, hindi niya birthday; eight months pa bago siya mag-disiotso. He could no longer fucking wait.

Ang milestone na ito ay hindi simpleng first time drinking session sa bar, dahil hindi naman istrikto ang mga tao doon at ano na man kung isa kang underage na nilalasing ang sarili sa pait ng alak. Hindi rin ito  pag-mo-MOMOL sa public place dahil kahit below 18 ka, hindi ka naman sasabit basta’t hindi ka papahuli at ‘di kayo tatanga-tanga. Mas lalong ‘di ‘to unang pagpasok sa cheap na motel na puro surot, dahil ang tingin sa iyo ng motel manager ay hindi menor de edad na maaaring makabuntis o magka-HIV, kundi normal human being na may dala-dalang 300 pesos—pang-short time.

Nagkakamali ka kung inisip mong ang gabing iyon ay gabi ng pagpapaka-high, pagpapakalasing, pagpapariwara o pagpaparaos. None of the above. Instead, that was a night of confession.

Dahil noong gabing iyon, dala ng matinding realizations, feelings at hindi maipaliwanag na force, natagpuan niya ang sariling itinitipa sa Facebook ang simula ng madamdaming pag-amin. Pinindot niya ang Enter at pinadala, sa chatbox ng nanay niyang nasa kabilang bahagi ng mapa, ang simpleng mensahe. “Ma, may kailangan kang malaman.”

Dahil nang mag-reply ang nanay niya ng “Bakit anak?! Nakabuntis ka?!?!” at sumagot siya ng hindi (dahil tangina hindi talaga!), sinabihan niya ang ina na tumawag sa Skype dahil hindi naman kayang i-humanize ng Faecebook chatbox ang emosyon niyang nag-uumapaw. At nang ma-accept na ang video call, sinimulan na niya ang pagbira. Dahan-dahan, gamit ang mga salitang pinili niya sa spur of the moment—wala kasi siyang script at aanhin naman niya ang rehearsed speech—pinalaya niya ang sarili niya.

Dahil nang inakala niyang bababaan siya ng telepono ng ina, at baka maraming buwan siyang hindi padadalhan ng pera, ay nakita niya sa mga mata nito ang pag-aalala at pang-unawa. Na kung mayroon man sa human race ang makakaintindi ng pasanin niya, walang iba kundi siya.

Pagkatapos ng gabing iyon, nakahinga na muli siya nang maayos, dahil hindi naman siya kailanman nagka-heart problem at wala na siyang problem of the heart. Ang gabing iyon ay gabi ng pagpapalaya mula sa takot, pangamba at pagtanggi sa mga bagay na alam niya sa sarili noon pa man, ayaw na niyang talikuran pa.

Dahil kung wala kang naintindihan, at kung pakiramdam mo nanood ka ng pelikulang either masyadong pa-deep or masyadong walang logic para seryosohin, okay lang. He just wants to get one thing straight; he’s not.

(*hiniram mula sa napakakulay na choice of words ni Pink)

Advertisements

3 responses to “Not Broken, Just Bent*

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s