Paano Ba Tumula?

Minsan lang ako
kung sumulat ng tula
kapag alam ko kung paano
at saan magsisimula
kahit di ko alam
kung ano ang sasabihin
o kung ano ang ipapahiwatig
basta’t ramdam ang pangangailangang
sambahin ang mga titik.

Kapag sumusulat ako ng tula
kalimita’y may kwento
o ‘di kaya’y may sentro—
pangunahing ideya
bituka o konsepto
kung paano aagos at dadaloy
ang litanya ng bawat saknong.
Pero sa pagkakataong ito
sa muling pagtatangka
sa pagmamakamakata
ay tataliwas sa nakasanayan
sapagkat ako’y nagsusulat
dahil ibig ko lang muling tumula.

Dahil habang sinisimulang itipa
ang huling saknong ng akda
ay itinatanong lang sa sarili—
paano nga ba ang tamang paraan
ng pagtula at pagsulat ng tula
na kahit walang konsepto,
bituka o sentro
maaaring sinisimbolo
ang iba’t ibang emosyong
‘di kayang ikwento.
O ‘di kaya’y sa pagitan ng bawat salita
ilalim ng bawat taludtod
o mangilan-ngilang kuwit at tuldok
ay sumisilip ang mga sikretong
letra lamang ang makakapagtago.

 

Advertisements

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s