Hotdog Daw?

Isang overheard funny story sa Radio Broadcast Elementary Filipino competition sa 2013 National Schools Press Conference (NSPC) sa Ormoc City.

Pagkatapos na pagkatapos ng contest ng mga estudyante ko sa radio broadcasting (hindi po ako full-time teacher, puma-part time lang na lecturer sa campus journalism), lumapit sila sa akin at ikwinento ang mga samu’t saring kaganapan sa closed-door contest para sa radio broadcasting.

Eventually, nagkaroon daw ng critiquing pagkatapos mag-perform ng lahat ng mga broadcasting teams na kumatawan sa kanilang mga rehiyon. Siyempre, sinabi ng judge ang mga good at bad points sa performances ng mga kalahok. Pero hindi nakaligtas sa hurado ang broadcast performance ng isang region. Iba kasi ang touch of creativity.

Ganito raw ang sabi ng news anchor matapos ang kanilang time check, gamit ang pinakaswabe niyang boses:

“Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng Pury Hotdog.
Mas pinasarap!
Mas pinalaki!
At mas pinahaba!
Ang hotdog na madulas sa lalamunan…
… sa ULO ng mga balita!”

Paulit-ulit iyong ikwinento sa akin ng mga bata ko na sabik na sabik makarinig ng green-minded na jokes. Pero totoo nga naman. Naimbyerna raw ang judge sa parteng iyon ng critiquing. Imagine, mga elementary students na ganoon ang banat sa radio broadcast production na dapat ay child-friendly? Maling-mali. Tsk tsk.

Sabi nga ng hurado, “Sa coach na nagturo sa mga batang ito, ewan ko na lang sa’yo!”

Advertisements

4 responses to “Hotdog Daw?

  1. Parang pang FM sa gabing gabi o madaling araw yung mga ganung banat. hahaha. Di papasa yan sa KBP! 🙂
    Pero ang kulit lang. Sino coach ng mga yun?

    Like

    • Hahahaha. E Sir, ang rule pa naman sa NSPC Radio Broadcast Filipino competition ay AM programming! LOL.

      Hindi ko alam Sir kung taga-saang region ‘yung nag-perform ng ganyang segment. Sayang din sa team na ‘yun, baka maganda naman ‘yung ibang parts ng production pero dahil sa napakamaling banat sa time check, nasayang ang effort. 🙂

      Like

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s