Memory Gap

Hindi naman talaga ako ang nakalimot. Ikaw.

Kinalimutan mo ako sa mismong araw na dapat mo akong matandaan. Pero hindi lang naman isang araw ang katumbas ng pagkalimot mo. Ang isang oras mong talumpati – aminin mo man o hindi – ay katumbas ng iyong paglalakbay, na akala ko, kasama ako. Ang pahayag mong iyon ay salamin ng iyong damdamin – kung sino ang iyong pinahalagahan at kung sino ang dumaan lang sa iyong buhay. May karapatan akong umasa, dahil alam ko sa sarili ko na higit pa tayo sa magkakilala. Kilala natin ang isa’t isa.

Doon ako nagkamali. Sa hindi na mabilang na pagkakataon, sa ginawa mong iyon, pinatunayan mong hindi naman pala talaga kita kilala. Wala ka naman talaga palang puso.

Hindi ko kailanman tatanggapin ang paliwanag mo na nawala lang ako bigla sa isip mo, o nalagpasan. Sa lahat ng taong pwedeng maglaho ng parang bula sa isip mo, hindi ako iyon. Para akong chewing gum na nakadikit sa utak mong kasingtigas ng semento. Alam kong sinadya mong hindi banggitin ang pangalan ko. Pero hindi ko alam kung bakit. Palaisipan pa rin hanggang ngayon—bakit?

Akala ko kasi magkaibigan tayo. Hindi pala. Isang oras kang nakatayo doon; isang oras kang naglitanya sa walang kwenta mong talumpati na pinagtawanan lang ng madla. At ang pangalan ko – na katumbas lamang ng isang pantig – ay wala pang isang segundo. Inalala mo ang lahat maliban sa akin. Isang segundo. Iyon ang pinagkait mo sa akin.

Kaya huwag ka nang magtaka kung bakit hindi na ako nangangamusta. O kung bakit wala na akong pakialam. O kung bakit hindi na tulad ng dati. Dahil ikaw na mismo ang nagparamdam na hindi naman ako importante.

Pero mantakin mo, kabilang ka na naman dito. Pinili kong makalimot pero sinayang ko na naman ang espasyong ito para sa iyo. Lintik ka para makalimot; tanga ako para mag-abala pa at makaalala.

Advertisements

8 responses to “Memory Gap

    • Kuya June! Ie-explain ko. Mahaba-haba ‘to.

      Hindi ko alam kung bakit napaaga ito ng post. Supposedly e mga August ko pa ‘to ipo-post para talagang tapos na tapos na ‘yung issue. Isinulat ko ‘to mga a week after ‘it’ happened, kaya bitter na bitter ako. E ayun, biglang nai-post ni WordPress ngayon. Siguro na mali ako ng pag-schedule. Hahaha.

      Anyway, the story goes like this. The salutatorian of the batch – which I happened to be friends with – did not include me in his goddamn speech. That would have been fine kung hindi niya binanggit ‘yung iba, kaso pucha, alam kong mas deserving pa ako kesa doon sa ibang binanggit niya. I mean, alam ko sa sarili ko, close friend ako. Bakit ako nakalimutan?! Hindi na ako magpapakaplastik; nasaktan talaga ako. Imagine, nakaupo ako doon sa upuan sa simbahan, nakatingin sa kanya habang naglilitanya siya sa stage, hinihintay na mabanggit ang pangalan kong isang syllable lang. Pero wala. Hanep. Ang inis ko talaga. Of all people, imposibleng makalimutan ang pangalan ko. Either I didn’t matter much o plinastik lang ako.

      Anyway, hindi na ako kasing galit noon. Buti tapos na. Tipong forgive but not forget. Coincidentally, the used-to-be friend Facebook-ed me last night and told me he already found out why I wasn’t reaching out to him since the previous month. Last night was April 19, exactly a month after the high school grad. The used-to-be friend offered an apology message or something that I did not in heaven’s sake bother to read. Wala nang silbi ang explanation.

      Like

  1. Aaaah okay.
    For a while di ako makapaniwalang sayo to at inisip ko na point of view ito ng someone na nakalimutan or kinalimutan mong banggitin sa speech mo pero in the end inisip ko rin na sayo talaga to kasi puro ang emosyon. 🙂
    Yaan mo mapaghuhugutan mo ito ng emosyon sa panahong kelangan mong ibahagi ang ganitong pakiramdam kapag gagawa ka na ng nobela, dokyu or something. 😉
    Tingin ko nainis siya na di sya naging valedictorian at ikaw pa na transferee ang naging…… at walang mas masarap na revenge sa tingin nya kundi yun. hehe assuming me much. Baka rin nagpadala sya sa kanyang galit na di niya inasahang namuo at bigla na lang sumabog kaya nakagawa siya ng ganoong desisyon…. na sya ring nagpaalab sa apoy ng iyong damdamin na may expiration date sa August hehe.
    Anyway, thanks sa pag-abalang i-explain. Sana bumilis ang oras dahil alam kong yun lang makakapaghilom ng halos lahat ng sugat. 😉

    Like

    • No no Kuya, don’t imply that. XD Baka mapabisita siya rito at isiping I also think that way. Hehehe. (Although right after the graduation, maraming kaklase ang nakapansin that I was excluded in the speech. My grandma was furious kasi she knows that I consider the used-to-be-friend a really close friend. Tapos all of them gave me the exact theory about rivalry. Ganoon pa man, parehas kaming transferee noong second year. Imagine? Pero I believe that the exclusion was a form of revenge. Hindi ko lang alam kung ano dahil hindi naman siya aamin.)

      Anyway, palagi akong nagpapasalamat sa oras. Proven na effective pampahilom lalo na ng mga sugat na hindi nakikita ng mga mata. 🙂

      Like

  2. Naranasan ko na rin ‘yan, at naiintindihan kita. Masakit nga, sobra. Parang wala kaming pinagsamahan. Worse, hindi niya ako nilapitan man lang after nun. O kahit nung hindi ko na rin siya pinapansin, at unti-unting kinakalimutan. O kahit kelan. In the end, naglaho na lang din siya sa buhay ko. Patas nalang din kami siguro, ayoko na rin kasi siyang alalahanin.

    Okay lang ‘yan, Kuya. Kapag may umaalis, may bagong darating. At mas deserving. 🙂

    Like

    • The story behind that literary article is this: I was forgotten in the salutatory speech of a close friend, when in fact, the friend had mentioned those who didn’t even consider him a friend. Alam mo ‘yung pakiramdam, ‘yung nakaupo ka sa bench ng simbahan, nakatingin sa kanya sa entablado, hinihintay na banggitin ang one-syllable name ko na wala pang isang segundo, habang binabanggit niya lahat ng mga kaibigan niya kuno. I hated myself more for faking a smile right after the speech, saying congratulations chu chu. At alam mo, may decision to ‘unfriend’ him didn’t solidify in just one night. Siyempre tiningnan ko lahat ng factors, at pusang gala, sigurado ako, it was impossible for me to be ‘forgotten’.

      Tama ‘yung sinabi mo na patas lang kayo. Ansarap actually ng feeling ng ganyan; walang alalahanin. Hindi man natin alam kung nanalo man tayo o natalo, ang mahalaga, sigurado tayo na hindi na mauulit ‘yung ‘neglect’ na naranasan natin doon sa taong ‘yun.

      At tamang-tama, kapag may umalis, may bagong darating. Now that I’m going to college, kahit mahirap makibagay at mag-adjust sa panibagong mundo, umaasa ako na makakahanap ako ng tunay na kaibigang hindi ako babalewalain. 😉

      Like

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s