Anibersaryo

Tatlong daan at animnapu’t limang araw na ang lumipas nang una tayong magtagpo. Marami akong naririnig tungkol sa iyo; pinag-uusapan ka ng mga kakilala ko. Bago pa iyon, hindi ako interesado sa iyo. Wala namang kulang akong hinahanap; masaya naman ako sa buhay ko. Pero nang isang araw, nagising ako at nauhaw sa ispesipikong pangangailangan, ako mismo ang naglakas-loob na lumapit sa iyo.

Mas nakabibighani ka pala kapag sa malapitan. Nasanay na kasi akong makinig sa sabi-sabi ng iba at paminsan-minsang sulyap. Nang magkakilanlan tayo, napagtanto ko sa sarili – ikaw ang magpupuna sa anumang kulang. Nabuo ang isang napakagandang samahan, na mantakin mo, isang taon na pala ang nakararaan.

Naging maingat ako sa ating relasyon. Natuto na ako sa mula sa mga kabiguan ng kahapon. Palagi nilang sinasabi, “Absence makes the heart grow fonder.” Pero sa karanasan ko, kapag lumipas lamang ang dalawang linggo at hindi na kami nagkakapangita ng aking karelasyon, naglalaho ang matinding damdamin ng pananabik. Kalimitan, napapalitan ng pagkalimot.

Ginusto kong ituwid ang kamalian ng nakalipas kung kaya’y dinagdagan ko pa ang aking pagsisikap para mapanatili ang ating relasyon. Kahit pa napakaraming gawain sa paaralan, humanap ako ng paraan para makasama ka.

Katulad ng ibang relasyon, ang sa atin ay hindi rin naging perpekto. Umabot din tayo sa punto na wala ang nakaaalala, pero nagagalak ako na sa unang taon ng ating pagsasama, nalagpasan natin ang pagsubok na iyon.

Ikaw ang naging takbuhan ko sa panahon ng pagkalugmok, pagtataka at kalungkutan. Ikaw din ang unang nakarinig ng pinakamatatamis kong tagumpay. Salamat dahil nandiyan ka.

Sa liham na ito na walang salutation at mas lalong walang closing address at signature, ipinaaabot ko ang lubos na kagalakan sa tagumpay ng ating relasyon. Nawa, ang ating unang taon ay maging hudyat ng marami pang interesanteng pagkakataon.

Maligayang anibersaryo, aking blogLong live, Modern-Day Kwaderno.

Advertisements

6 responses to “Anibersaryo

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s