Nagdadalagang Kapatid

Kabilang na ang kapatid ko sa henerasyon ng makabagong kabataan. Ang eleven-year old kong little sister, marunong na marunong nang gumamit ng cellphone at computer. Hindi na tuloy malaking sorpresa kung nagbago na rin ang pamamaraan ng pagbibinata at pagdadalaga sa panahon ngayon.

Unti-unti kong napansin ang pagbabago nang napadalas ang pag-fe-Facebook ni JC. Palagi naman niya iyong ginagawa, pero napapatagal. Kapag sinasabi kong ako naman ang gagamit ng laptop, iiling siya at sasabihing marami pa siyang “games” na nilalaro. Ikinakaiyamot ko iyon siyempre, sapagkat iisa lang naman ang laptop sa bahay na may internet connection at kailangan ko ring gumamit. Pero malimit na nagiging ganoon ang asal kapatid ko.

Minsan pa, kapag napapadaan ako doon sa laptop habang nag-fe-Facebook siya, hindi naman siya naglalaro. Kapag napapansin niyang paparating na ako, bigla niyang i-mi-minimize ang Facebook chat button niya at magpapalit ng tab doon sa kunwaring nilalarong Facebook app. Parang nagiging kakaiba, isip-isip ko.

Dagdag pa roon, simula nang nabigyan si JC ni Mama ng magarang Samsung na cellphone na touch screen (na daig pa ang four-year old kong Nokia cellphone na kailangan pang pukpukin para mabuhay), palagi na siyang nagkukulong sa kwarto. Ni-lo-lock pa ang pintuan! Nagagalit nga tuloy si Mommy (lola ko) dahil parehas sila ng kwarto at kalimitan, kailangan pa niyang kumatok para lang makapasok. Kapag nakakalimutan naman ni JC na i-lock ang pintuan at bigla akong pumapasok (oo, demonyito akong big brother para hindi kumatok), bigla siyang magugulat habang hawak-hawak ang sosyal na cellphone. Palaging awkward ang reaksyon ni little sister, hindi pa ako nagtatanong kung ano ang ginagawa niya, babanatan na agad ako ng, “Sound trip Kuya! ‘Di mo ba alam ‘yun?” Titingnan ko lang siya nang may halong pagtataka at lalabas ng kwarto sabay isip-isip, Sound trip your face.

Dahil doon, kailangang malaman ni big brother kung ano ang nagiging dahilan ng pagsusupetya niya. Nakalimutan yata ni JC na kahit pa gaano na siya ka-expert sa Facebook na iyon, si big brother pa rin ang nagturo sa kanya. Kaya malamang, alam ko rin ang email address at password niya.

At aba! Pagkabukas ko ng Facebook chatbox niya, nagsulputan ang mga sagot sa pagtataka ko.Ito palang si little sister, umiibig na rin (o nagkaka-crush malamang). Nakikipagkwentuhan hanggang hatinggabi sa kaibigan tungkol sa crush niya. (Dati, ako lang ang kayang mag-stay sa laptop hanggang hatinggabi. Pero si JC, hanep, nakikipag-agawan na sa laptop sa ganoong time slot!) Ang matindi, nabasa ko rin ang conversation niya sa kanyang crush na taga-ibang eskwelahan. Si little sister, chat nang chat doon sa kaedad niyang lalaki. Alam kong hindi siya masyadong ine-entertain noong lalaki dahil matipid lang ang sagot niya sa chat messages nito. Pero ito yatang si JC, hindi maka-take ng hint at humahanap ng topic na mapag-uusapan nilang dalawa para lang mag-reply ang lalaki. Puppy love nga naman.

Hindi ko naman ipinapahalata kay little sister na alam ko na kung bakit siya nag-a-adik sa text at internet ngayon. Pero isang araw, nakahalata na rin si Mommy (lola ko), at may ebidensiya pa. Dumating si Mommy galing doon sa bahay ng pinapag-load-an namin ng cellphone.

“JC, bakit ang utang mo doong load kina Joy (pangalan ng nagpapa-load) ay… P420?! Aba aba, saan ka kukuha ng pera pambayad ng ganyan kalaki? Sinong pinapag-te-text mo?”

Nagpalusot si JC, “Mommy, nagpapa-unli lang po ako araw-araw. Fifteen pesos. Tapos ang mga itini-text ko lang naman po ay mga kaklase ko. Sina [banggit ng pangalan para kunwari walang malisya sa pag-lo-load niya pusang galang P420.]”

Pero dahil nag-away kami ni little sister kinagabihan lang dahil na naman sa pang-aagaw sa akin ng oras sa netbook, inisip kong magpaka-demonyo kasunod na araw. Humirit ako.

“Mommy, palibhasa po kasi ay may ka-text ‘yan na taga-ibang school. Text nang text maghapon. Tapos ka-chat pa hanggang hatinggabi. Ano ngang pangalan noon JC? *sabay tingin kay little sis* Jay… Jaypee ba ‘yun? *sabay ngiting pang-demonyo*”

“Kuya naman!”

“Ano nga? Tama ba? Jaypee o Jayvee?”

“Wala Kuya! Sino ba ‘yang binabanggit mo?” patuloy na pagtanggi ng kapatid ko. Nakangiti lang si Mommy.

“Kunwari ka pang wala kang alam! Anong akala mo, hindi ko alam ang password ng Facebook mo? E ako kayang gumawa noon. Nabasa ko kaya ang mga pinapagcha-chat mo!” hirit ko.

“Nye. Bahala ka sa buhay mo. Blah blah blah blah blah blah (repeat 1324 times)” sabay takbo ni little sister sa kanyang kwarto at nagkandado na naman. *Big brother wins!*

Kaya naman, nang sumunod na tingin ko sa Facebook account niya, aba, nagbago na ng password. Hindi ko na tuloy makita kung ano ang pinag-uusapan nila ng kanyang honeybunch. *evil laugh*

Pero nang sumunod pang pagkakataon para ako naman ang mag-internet, nakalimutan na naman ni JC na i-logout ang kanyang Facebook account. Hindi ko man alam ang password, nabasa ko na naman ang chat messages niya.

Ang matindi, sabi ni little sister sa kanyang kaibigan na nakakaalam ng crush niya, “Nakakainis si Kuya! Alam niya kasi ‘yung password ng Facebook ko kaya sinabi niya kay Mommy ‘yung tungkol kay Jaypee! Amp!”

Tumawa na lang ako sa isip-isip ko. Pero may kasunod pa pala iyon, “Kaya friend, binago ko na ang password ko. Alam mo kung ano, pangalan ng crush ko!”

Little sister, such crazy little thing called love.

Advertisements

6 responses to “Nagdadalagang Kapatid

  1. Awwwwwwwwwwwwww. Napangiti naman ako sa storya na to. Ako kasi samin ng kapatid ko, ako yung “demonyita” na nangengealam ng phone nya nung mga high school pa kami. Hehe.

    Yaan mo lang si sis pero alalay din! Aba aba! Di biro ang 420 ha! Ako nga 150 lang ang budget sa load, sam buwan na yun! Hahahaha, at ang bata pa puyat na, regaluhan mo ng laptop/internet curfew! 🙂

    Like

    • Ate, sa post entitled ‘Kumot’ ang comment na ito ano? Tama ba? Hehehe.

      ‘Wag niyo po akong paluin. Holding hands lang po ‘yan sa ilalim ng kumot… pramis! (Jk, naka-tag po ito sa panitikan. I neither confirm nor deny if this happened in real life or not. LOL.)

      Like

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s