Huling Periodical Exam ng High School

Alam mo ba kung ano ang pakiramdam habang isinu-submit mo sa teacher ang kahuli-hulihang test paper ng kahuli-hulihang periodical exam ng magtatapos mong paglalakbay sa high school? Naramdaman ko ‘yun kahapon. Ang feeling, priceless.

Napaka-exciting ng countdown. Nagsimula ang araw na may pitong subjects na kailangang lagpasan — Advanced Physics, ICT, TLE, Filipino, English, Christian Living at Calculus. Sa bawat test paper na ibinibigay sa amin, parang nagkakaroon ng buhay ang papel. Para bang sinasabi sa amin, “Ito na ang huli. Hindi ka man lang ba magbaba-bye?”

Nakuha ang test paper sa Physics. Pucha, ang dali ng exam!
One down, six to go.

Nakuha ang test paper sa ICT. Lintik, kasama ba sa pointers ‘to? Bagsak na. Di bale, huli na naman.
Two down, five to go.

Nakuha ang test paper sa TLE. Sayang, perfect sana kaso hindi ko alam na ang tsokolate pala ay “highly nutritious foodstuff”. Di bale, huli na naman.
Three down, four to go.

Nakuha ang test paper sa Filipino. Putragis, akala ko Kabanata 2 lang ng El Filibusterismo ang kasama sa pointers? Bakit may Kabanata 1? Okay lang, pare-parehas lang naman kami ng napag-aralan. All for one, one for all! Huling Filipino periodical exam na ito ng high school!
Four down, three to go.

Kringggggggggg! Lunch na.

Kausap ko si Hazel, ang seatmate ko. Pilit naming dinadamdam ang katotohanang sa pagtatapos ng maghapon, gagaan ang kalbaryong paulit-ulit na pinasan sa apat na taon, at pinasan nang pinakamaigi sa mga nakalipas na linggo. Tipong Pasan Ko ang Daigdig.

“Hazel, isipin mo talaga, pagkatapos ng tatlong subjects… as in three subjects na lang talaga, wala na tayong poproblemahin. Well, tatapusin na lang natin ‘yung number of hours natin sa CAT, mag-de-defend na lang tayo para sa research paper, magluluto sa TLE, magkukumpleto ng portfolio sa Physics, tapos wala na talaga. As in ‘yun lang. ‘Yun na ‘yun lang talaga!” sabi ko na punong-puno ng exaggeration.

Si Hazel, hindi ko na i-qu-quote. Basta todo agree siya sa akin.

“Actually, hindi na naman natin kailangang seryosohin ‘yung after exams. Sigurado ako, itong periodical exam na lang ang hinihintay ng teachers para ma-compute ‘yung grades natin. ‘Yung mga ipapagawang activities after exams, echos na lang ‘yun. Dagdag na pahirap na lang nang kaunti. Pero hindi na talaga masyadong counted ‘yun. As in wala na tayong poproblemahing matindi!” dagdag ko, na dinagdagan pa ng exaggeration.

Si Hazel, hindi ko pa rin i-qu-quote. Basta ngingiti-ngiti siya, nag-a-agree sa punto ko.

Kringggggggggggg! Ala-una ng hapon. Tatlong pagsusulit pa. Let’s do this!

Nakuha ang test paper sa English. Hanep, sisiw! Pero dahil sa carelessness, hindi ko pa rin mape-perfect. Pero di bale, wala rin namang makaka-perfect e. At di bale, malayo pa rin ang lamang ko sa grades. Hindi naman ako mag-sa-salutatorian kung pagbibigyan ko sila ngayong periodical exams. (Ang yabang ko!)
Five down, two to go.

Nakuha ang test paper sa Christian Living. Isinulat ko ang pangalan, at… nilagyan sa top right corner ng salitang “EXEMPTED”. Wahahahaha! Nakakuha ako ng expected grade ni Sir sa preliminary exams kaya bilang bonus, ligtas ako sa final examination. Wahahahahaha!
Six down, last one to go.

Kringggg! Recess. Review-review-han sa Calculus. Grabe ha! Para sa huling test paper ng sekondarya, kinabisado ko ang definitions at history of calculus na nakalagay sa Wikipedia. Na kesyo examples ng calculus ay pi, propositional, lambda, join at variational calculus. Na kesyo si Eudoxus ang responsable sa method of exhaustion. Na kesyo inakusahan ni Newton, ang lumikha ng “science of fluxions”, si Gottfried ng plagiarism. Na kesyo isa sa significance ng calculus ay “to resolve the paradoxes of the world”.

Kringgg! Lagyan ng dramatic background music para ma-emphasize ang katotohanang totoo ang lahat ng ‘to. Chos.

*Insert = Just when I thought our chance had passed, you go and save the best for last *

Nakuha ang test paper sa Calculus. !@#$%^&*()! Wala ‘to sa pinag-aralan ko! Siyeetttt, babagsak ako big time! Gamitin na lang at sirang plakang excuse. “Di bale, huli na naman”.
All seven down! Hooray… for today!

Doon na nagtatapos ang ilang porsyento ng kabanata ko na nilaan sa test papers na akala mo e kasintahang ayaw magpatulog sa’yo. Pagkatapos na pagkatapos ng exams, yakapan na. Naalala ko tuloy ‘yung sa Perks of Being a Wallflower. Iyong nag-countdown ‘yung main characters sa huling bell para sa dismissal. Matagal pa para sa amin ‘yun, pero feel na feel ko lang na i-treasure ang mga maliliit na pangyayari. Sabi nga ng kantang pinapatugtog mo ngayon kung sumunod ka lang, “You go and save the best for last”.

Lumapit sa akin si Kurt. Pabirong nagsabing, “Kung di man ako makakapag-speech, pakidamay na lang ako sa’yo.”

Lumapit sa akin si Amiel, sabay sabing, “Ako rin ha!”

Lumapit sa akin si Lyron. Yumakap nang mahigpit sabay sabing, “Ga-graduate na tayo!”

Sumagot naman ako na nagpapaka-killjoy, “Sigurado ka? Di mo pa kaya na-co-cover-an ang Bible mo. Paano pipirmahan ang clearance mo niyan?”

Tumawa si Lyron. Hahahahaha.

Lumapit ako sa iba pang mga kaklase ko, at ipina-exaggerate ko sa kanila ang pakiramdam kung paano tinuldukan ang apat na taon ng test papers.

Oo, kami na mismo ang lumalapit sa isa’t isa. Dahil siguro oras na ang gumagawa ng paraan para lapitan kami. At mabilis ang takbo ng oras.

Bente kwatrong tulog na lang, at gigising ako para sa diploma.

Advertisements

2 responses to “Huling Periodical Exam ng High School

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s