Tinutusok na Puso (O Kung Paano Ko Nalaman ang UPCAT Results)

Napaka-unpredictable at paimportante ng UPCAT. Oras-oras, sisilipin mo ang pahina kung mayroon nang resulta. Araw-araw, may panibagong tsismis na kesyo lumabas na. Tapos kapag bigla kang nakalimot, gugulatin ka. Surprise, bumagsak na mula kalangitan ang pinakahihintay na tadhana!

Ang How-Did-I-Know-My-UPCAT-Results story ay isinasagisag ng pusong tinutusok-tusok ng walang pakundangang karayom. Araw-araw akong nagtitingin sa bahay ng resulta. Refresh ako nang refresh sa page nila na ang tanging ibinabandera ay ang pangakong lalabas na “very soon” ang hinihintay ng madla. Pero sa lahat ng araw na pinili ng sangka-UP-han na manggulat, magpatalon sa tuwa o magpanganga at magpaluha dahil sa umaakatibong snub sa pangalan nila sa mismong UPCAT results page, doon pa mismo itinapat sa araw na wala ako sa bahay at may limited internet connection. Oo, nasa monasteryo ako ng biglang… boom! Namumula ang mga pangalan from A-Z.

Training iyon para sa regional press conference. Dahil kabilang ako sa delegasyon ng Oriental Mindoro, kailangan kong makilahok sa pagsasanay na iyon. Unang araw iyon ng training — Sabado (o ang araw na ipinaskil ko ang blog post ko na nagsasabi na naghihintay pa rin ako sa results ng UPCAT). Pagsapit ng alas-siyete ng umaga, nilisan ko na ang bahay at nagtungo sa monasteryo. Tatlong araw na pagsasanay iyon bago ako magtutungo sa Tagaytay para sa totohanang regional event. Sa monasteryong iyon na puno ng puno (gets mo?), nagulantang lahat ng kasama kong seniors.

Wala akong ideya kung anong saktong oras lumabas ang UPCAT results. Basta, mga alas-sais pasado ng gabi, pinangungunahan ng division supervisor namin ang devotion — o parang thanksgiving sa Panginoon. Tapos, ayun, out of nowhere, iyong isang estudyanteng fourth year na walang pakialam sa devotion dahil nagte-Tetris sa laptop niya, sumigaw nang hindi namang ganun ka-O.A.

“May UPCAT results na!”

Syeeeet times two times two! Sa sobrang kaba ko, lumapit agad ako sa kanya at kinalimutan ang devotion na nagaganap. Pati iyong ibang mga fourth year students na isang buwan nang hindi pinapatulog ng UPCAT anxiety, tumigil bigla ang mundo. Lapit lahat sa laptop. Diyusmiyo garapon, walang oras para magbiro. Nakabandera — ang page 1 to 100+ sections ng mga pangalang pinagpala noong araw na dapat silang pagpalain. Ang tanong, pinagpala din kaya ako noong araw na dapat akong pagpalain?

Ayokong tumingin kasabay nila, doon sa laptop na nakapatong sa binti ng lalaking nanginginig na. Sa halip, naging aware ako bigla na mayroon nga palang nagde-devotion. Umalis ako sa area na iyon at tumungo sa area na hindi ako nakikita. Kasama ko si Hannah na kasama kong nag-aral sa review center noong summer. Dala-dala ang laptop ng groupmate ko at ang Smart Bro ni Hannah na kasingbilis ng pagong (si Hannah o ‘yung Smart Bro?), unti-unti akong nagkaroon ng access sa pahinang huhusga ng maaari kong maging kinabukasan.

Ako na ang may hawak ng laptop. Kahit parang nagpuprusisyon sa bagal, at least umuusad ang pag-access nang pag-access sa pahina, hanggang ako na mismo ang makarating sa mismong page. Dahil sa takot ako, inuna ko muna siyempreng buksan ang name section noong kay Hannah — open new tab. Ganoon din iyong sa akin. Nag-open new tab ako at balik sa original tab agad. Nakikita ko lang sa screen ang paikot-ikot na bilog na nangangahulugang naglo-load ang page. Inabot yata ng isandaang taon ang pag-usad ng pahina, o siguro trip lang mang-trip ng Smart Bro Prepaid Kit. Pero hindi ako nag-e-endorse kaya hindi iyon ang punto. Dahil ang punto, lumipas din ang tila isandaang taon ko. Iyong dalawang tab na binuksan ko, pusang gala! Natapos din sa paglo-load.

Moment of truth. Hindi muna para sa akin, pero kay Hannah. Dahan-dahan kong inilagay ang mouse pointer sa tab ng kanyang pangalan. At sa loob ng microseconds na dinaig pa ang kisap ng mata, nangibabaw ang hubad na katotohanan.

Hindi pumasa si Hannah. Pero okay lang daw sa kanya. Mukha namang hindi niya ganoon ka-priority ang Unibersidad ng Pilipinas. Tatawa-tawa pa. Siyempre nalungkot din siguro iyon, pero halata namang tanggap niya ang kapalarang siya rin mismo ang humubog.

Pagkakataon ko na. Matapang ba talaga ako? Oo. Kasi, sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na nagkaroon ng dramatic effect ang pagpindot ko sa tab na naglalaman ng resultang maaaring kabilang ang pangalan ko. Basta, out of the blue, napindot ang tab.

Akala ko, ii-scroll ko ang mga pahina. Pero hindi. Tumambad na agad ang listahan ng mga DE LEON. Nag-panic na agad ang katawang lupa ko. Diyusmiyo, nagbasa agad ako ng pangalan. May DE LEON, DANIEL. Hindi ma-comprehend ng utak ko. Pucha, nalagpasan na ba ang pangalan ko?! Daniel… Dwight… ano ang nauuna sa dictionary? Oh my God Oh my God!

Tapos sumigaw si Hannah.

“Dwight! Pangalan mo! DE LEON, DWIGHT ANGELO LANDICHO. UP DILIMAN. BA COMMUNICATION RESEARCH!”

Nag-panic na ako to the highest extent. “Nasaan?! Nasaan?!”

At pagkatapos, nakita ng hubad kong mata ang hubad ring katotohanan.

Presentation1

Ang resultang tumapos sa maraming buwan na paghihintay.

Nalaman ko rin pagkatapos na pumasa si Kurt at Lyron sa UP Los Banos. Degree Program with Available Slot.  Pumasa rin ang first honor ng first section ng aming school sa UP Manila. The rest, hindi pinalad.

UPCAT

Ang delegation ng paaralan namin sa regional press conference. Sila ang kasama ko nang tumambad ang hatol ng kapalaran.

Mga tatlong minuto matapos mag-sink in sa akin na malapit ko nang palitan ang bio ko sa Facebook (mula sa kasalukuyan kong school patungo sa UP DILIMAN), tinawagan na ako ni Kurt pero wala na akong naintindihan dahil nagastos ang isang minutong pag-uusap sa sigawan. Tumawag din pagkatapos si Lyron na nakausap ko nang mas matino. Iyon pala, hindi na nakapaghintay si Lyron sa resulta ng UPCAT at pumunta ng Letran para sa scholarship niya.

Sunod-sunod na rin ang nag-congratulate sa Facebook at dito sa blog ko. Nakakatuwa dahil parang kabilang sila sa antisipasyon para sa akin. Iyong pakiramdam na hindi ko pa alam, sila, hawak na ang aking kapalaran.

Sabi nga ng mga beterano sa UP, UPCAT na ang pinakamadaling exam na mae-encounter sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa parehas na paraan, ang pagpasa ng UPCAT ay isang hakbang lamang sa libo-libo pang palapag na kailangang tahakin. Ngayon, may ticket na ako — isang legal na pass para sa gusto kong institusyon. Ang prerequisite na lang, ang sarili ko.

Malapit na. Papalapit na. Sa iilang buwan, isa ako sa daang libong estudyanteng makikinabang sa kaban ng bayan. Ang edukasyon ko… pang-iskolar ng bayan!

Advertisements

30 responses to “Tinutusok na Puso (O Kung Paano Ko Nalaman ang UPCAT Results)

    • Ang ibig mo po bang sabihin e kung paano ‘yung process? May cut-off kasi bawat campus. Diliman ang pinakamataas with 2.2 at Mindanao ang may pinakamababa with 2.8. Let’s say ang nakuha mong UPG ay 2.4 at ang first choice mo ay Diliman at ang second choice mo ay LB, hindi ka pasok sa Diliman pero pasok ka sa LB dahil ang cut-off ng LB ay 2.4.

      Kung personal naman, ako, mas gusto ko sa Diliman kesa LB. Si Mama rin, mas gustong sa Diliman ako mag-aral dahil mapanganib daw sa Los Banos. 🙂

      Like

        • Yeah, lahat ng campus ay may cut-off. Here is the approximate UPG of every campus as of February last year:
          Diliman – 2.2
          Manila – 2.280
          LB – 2.420
          Baguio – 2.574
          Cebu – 2.700
          Tacloban – 2.700
          Visayas – 2.700
          Mindanao – 2.750

          So if you get a UPG of — let’s say — 2.1. Pasok ka sa Manila, since ‘yun ang first choice mo. Kung Baguio naman ang first choice mo, doon ka nila ipapasok kahit ang UPG mo ay pang-Manila dahil ginawa mo lang second choice ang Manila. If 2.4 naman ang UPG mo, hindi ka pasok sa Manila pero pasok ka sa Baguio. And if you got 2.7, hindi ka pasok sa parehas na choice of campus mo but you can try to reconsider sa UP Mindanao. 🙂

          Like

    • Kung before pasukan e maco-consider na ako sa BroadComm (which happens to be my waitlisted course), iyon na ang kukunin ko. Kung hindi naman at mag-s-stick ako sa CommRes, tingnan natin after one semester kung kakayanin ko. 🙂

      Like

    • I am planning to reconsider on the BroadComm program since I got waitlisted in that first choice (43 passed in that course and 21 were waitlisted, including me). Kung hindi naman at CommRes ang makukuha kong kurso sa UP, titingnan ko kung kakayanin ko at kung magugustuhan ko ang CommRes. Kung hindi, shift sa BroadComm.

      By the way, are you the Paolo of Brain-Train Review Center? 🙂

      Like

    • Tinanong ko nga po sa kakilala kong taga-UP na nag-aaral ng CommRes kung ano ang pagkakaiba ng CommRes sa BroadComm. It turned out na masyado daw technical ang CommRes at para raw pong gumagawa ng dalawang thesis per semester. Anyway, kung ma-co-consider po ako sa waitlisted course ko na BroadComm, iyon po ang ite-take ko.

      Like

    • Thank you! Hahahaha, binigyan mo na po ako ng babala this early ha. Kaya nga po magpapa-consider ako sa BroadComm, which is also difficult in its own level. Well, wala rin naman po yata talagang madaling kurso sa college. X:D

      Like

    • Hello Ms. Dewmaine! Before anything else, salamat po ulit nang maraming-marami sa inyo at sa lahat ng teachers ng Brain Train for being part of fulfilling my dream. Although it is undeniably very distant to my real ‘dream’ of becoming somebody in the realm of broadcast media, your contribution is very crucial and important and cannot be undermined. Had I not passed, hindi ko alam kung kakayanin kong mag-settle sa ibang schools na hindi ko naman po pinapangarap. 🙂

      Alam niyo po, before the release of results, ayoko munang i-mention ang review center ng Brain Train. I’m afraid kasi na isipin ng ibang tao na puri ako nang puri sa Brain Train tapos biglang hindi naman ako papasa. Baka isipin nila, drawing lang ako. At tsaka, for heaven’s sake, it’s like I publicized my UPCAT and UP journey since I joined your essay writing tilt. Talagang matindi ‘yung takot ko na baka noong araw na dapat magamit ko lahat ng pinag-aralan ko at stock knowledge ko, sumemplang ako at mawala sa balanse. And you know po, sa sobrang hirap ng exam, my high hopes already settled for Los Banos because I was calculating my chances — the UPCAT and the high school grades — and I was saying, kahit LB lang Lord! I even used the final assessment report of Brain Train as a guide in my computation. Na kung makaka-180 correct answers ako out of 320 items, tapos may 94 akong high school grade, baka talaga makaka-DPWAS pa sa LB! Hahahaha! It was insane pero di ba po, at least, I really have an UPCAT story to tell to the next batches of UPCAT takers.

      I doubt if ‘yung essay ko sa itaas na napaka-informal ay pwede pa pong maisingit sa Mock Exam sa Reading Comprehension, pero I’ll be very honored kung mailalagay siya doon. I’ll forever be grateful to Brain Train. Maybe some time soon, I’ll write an article endorsing THE Brain-Train Review Center. I love you Ms. Dewmaine! Send my regards to Sir Randy and the Brain-Train family. 🙂

      Like

  1. Congrats, Dwight at sa iyong mga kasama! Suwerte kayong umaga lumabas results n’yo samantalang kami, hatinggabi. :)) Mukhang makakasalubong na kita sa UP. Kitakits and I am looking forward to meeting you!

    Like

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s