Fucked Up Fifty-Fifty

Grabe! Madaming nangyari sa buhay ko sa nakalipas na linggo. Sa sobrang dami, hindi ko alam kung ano ang ikukwento.

Apparently, kung ang blog ko ay nagkatawang-tao at naging girlfriend ko, siguro, nasa stage kami na isa sa dalawang parties ay busy at wala talagang oras. Ang siste, nakakalimutan ng isa ang isa. Hanggang sa mawala na ang drive para maipagpatuloy pa ang relasyon. Blog ko, patawarin mo ako sa pagkukulang ko! Well, sa ngayon, nakaka-one post a week ako dahil kalimitan akong wala sa bahay at nakikipag-espadahan ng mga utak sa kung saan-saan.

Sari-saring istorya lang ‘to at pagmumuni-muni. Huwag kang mag-expect ng award-winning blog article.

Kaya fucked up fifty-fifty, kasi, sa dami nga ng mga pangyayari, mahirap i-assess kung ano ang naging mas matimbang — ang swerte o ang walang-hiyang kamalasan. Minsan kasi, ang pakiramdam ko e parang pinagkaitan na ako ng positive vibes. Kapag minsan naman, parang last day on Earth ko na — papatayin ako sa matinding kaligayahan.

Well, sabi nga ng kasabihang hindi ko maalala kung sino ang nagsabi (o baka imbento ko lang), kapag mag-e-enumerate, unahin muna ang masama kesa mabuti. Kaya uunahin ko muna ang mga bad vibes na nagpapahirap sa buhay ko.

Una sa lahat, fucked up na fucked up ako sa research paper. Pusang gala, last year pa ‘to ah! Oo, ganyan ka-contagious ang SIP o Science Investigatory Project (pwede ring Sobrang Iniindang Pahirap). ‘Yan ang thesis ng 21st century at ginagawang obligado ang mga generalized science-inclined students na katulad ko (porke kasama sa Special Science Class, science-inclined agad? E diyan nga bumabagsak!). Well, gumagawa ako ng moisturizer ngayon. Para lang maka-comply sa sistemang inihain sa amin. Ang problema, talagang tamad yata ako in nature. O baka hindi ko kailanman mapo-possess ang characteristics of a good researcher gaya ng patience. Sa moisturizer na pinag-eeksperimentuhan ko, nakapitong palpak na ako. Kawawa naman ang calamansi na main ingredient ko. At mas lalong sayang ang perang ginagastos ko kakatantsa ng tamang formula! Sa halip na moisturizer, lintik na scented candle ang nagiging finished product.

Pangalawa, ang success ko sa huli kong Division Schools Press Conference — ang kompetisyon na nakalaan para sa mga aspiring journalists in the future — tipong “fell short of expectation”. Okay naman, hindi ko nga lang hinakot ang awards kumpara last year. Napa-three consecutive years kong champion ang Filipino broadcasting team na ako ang nagsimula. Kaso, iyong sa English team na ako ang mentor, sumablay at nagpangatlo lang. Well, ganoon talaga.

Pangatlo, extension ng division level ay ang regional level. Sa susunod na linggo, wala na naman sa klasrum ang kuya niyo. Nagtataka nga ako kung kilala pa ako ng mga kaklase ko. Diretso ako sa Regional Schools Press Conference. Pero nalintikan yata ako nang sobra dito. Hindi ganoon kataas ang willingness at determination ko kumpara noong nakaraang taon para manalo sa broadcasting. Tsaka, naubusan na yata ako ng mga bagong ideya para mai-innovate ang nagiging gasgas sa pandinig ko. Don’t get me wrong people, trip ko pa rin ang manalo. Pangarap ko pa rin ang makahakot ng parangal sa nationals. Kaso, some things just don’t feel right. Chos.

Pang-apat, madami na yata ang naiinggit sa amin. Apparently, parehas kami ng kapatid ko na naging Most Outstanding Young Journalist sa Oriental Mindoro. Siya sa elementary, ako sa secondary. Ang punto ko lang naman, naging mahirap ang nakalipas na buwan sa akin dahil mayroong mga nagrereklamo tungkol sa akin dahil daw sa mga posts ko sa Facebook. Mahabang kwento at hindi ako pwedeng magpakadetalye dahil ang sabi raw sa spokesperson ko (chos!), huwag na raw ipagsabi sa iba para hindi na lumala pa ang isyu. Isa pa, natatakot si Tito na mawala raw ako sa honor roll at nag-cite pa ng kung anu-anong national law patungkol sa minor offenses. Sa tingin ko, may na-offend man sa way of communicating ko, hindi ko offense ‘yun (gets?). Basta, kung ipatawag man ako sa kaitaas-taasan at sabihang mag-explain, alam ko kung ano ang sasabihin ko. Mabuti nga at campus journalist pa lang ako, nate-train na ako sa mga detractors. Kapag nasa larangan na ako mismo ng media, sanay na ako.

Panlima, lecheng UPCAT, kailan ka ba lalabas? Pumasa na ako ng Ateneo at UST, pero ikaw pa rin ang hinihintay ko. Ganoon ka kaimportante! Sana lang, kahit pa-hard to get ang matamis mong oo, makamtan ko rin ‘yun bago matapos ang Pebrero. At maawa ko, patay na patay talaga ako sa’yo. Sana, you are worth the wait.

Eto na. Diretso na ako sa mga good vibes ng mga nagdaang linggo.

Una, hindi pa rin ako maka-get over sa debate tournament na pinanalunan ko. Nakakatuwa dahil parte na ‘yun ng debating credentials ko — 2013 Oriental Mindoro Intervarsity Grand Champion! Pucha! Tingin ko rin, iyon ang nagpabalik ng tiwala ko sa sarili matapos akong ma-epic prank ng kaklase last year. Hindi ko kasi talaga inasahan ang pagkapanalo. Nag-concede na ako na ang Team B na kinabibilangan ko e walang kalaban-laban, kahit pa sa Team A ng school namin. Pero dahil sa takbo ng kapalaran, kami ang itinanghal na kampyeon dahil sa mga knockout rounds na natalunan namin na parang si Super Mario kapag tumatalon sa mga kanal. Grabe! Bumalik na ulit ang willingness ko sa pakikipagdebate. Sana may susunod, pero kung wala man, masaya ako na magtatapos ang high school debating experience ko on a high note.

Pangalawa, pumasa ako ng UST! Well, nabanggit ko na siya sa itaas, pero uulitin ko na masaya pa rin ako kahit hindi ko siya first choice. May average ako na 80 which isn’t bad. Nag-rank 87 ako sa Communication Arts at Rank 66 sa Journalism. Pwede!

Pangatlo at higit sa lahat, contented ako sa social life ko. Actually, paano naging balance kung anim ‘yung sa bad vibes tapos tatlo lang ‘yung sa good vibes? Matinding factor yata ito, fulfillment. Sa ngayon, wala akong problema sa mga kaibigan ko sa school. Madalang magkaroon ng away, at ayos naman sa pangkalahatan.

Ang disoriented at unsystematic ng post ko. Pagpasensyahan na dahil isinulat ko ito ng alas-onse ng gabi. Just wait for my new post next week. Baka mas may sense ‘yun.

Advertisements

7 responses to “Fucked Up Fifty-Fifty

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s