Tatlong Minuto sa Entablado

Isa sa mga side-contests ng debate tournament na nilahukan ko ay ang public speaking competition. Dahil kailangan ng kinatawan sa bawat paaralan, ipinagkalulo ako ng mga teammates ko.

Hindi naman talaga ako ang unang option, o ang target ng pambu-bully ng mga kapwa ko debaters. Dapat talaga, ang kasamahan naming junior ang kakatawan sa eskwelahan namin. Pero dahil sa kagustuhan ng coach namin ng “sure win” na pagsali, ako na ang naging final decision ng aming contingent. Hindi na rin ako tumanggi. Dahil mukha namang wala akong matinong kinabukasan sa higlight ng event na debate competitions (at ang standing ko sa preliminary rounds ay nasa 4-2 win-loss record), sige na. Ako na sa public speaking. Medal din ‘yan kapag nagkataon.

Gabi ginanap ang public speaking contest, kasabay ng announcement ng mga breaking teams o mga grupo na papasok sa quarter finals ng debate tournament na pinasinayaan ng seminaryo. Noong gabing iyon — na umapaw sa dami ng pagkaing dadalhin ka on the way sa langit — nakaramdam na rin naman ako ng kaunting kaba at intimidation. Una, iyong mga nabalitaan kong magiging kalaban ko e mukhang malakas ang karisma sa mga tao. Sige na, siguro, lamang ng mga tatlong paligo iyong mga lalaki. At ang mga babae, forte yata ang pagpapa-cute sa stage. Pusang gala, wala na akong hatak sa audience impact. Saan ko kaya babawiin?

Sinimulan ang seremonya para sa break night. Dahil nga nasa seminaryo ako, napaka-angelic ng buong lugar. Iyong mga seminarista, parang mga nakatanggap ng biyaya noong nagpaulan ang Diyos ng talento sa lupa. May bandang nangharana sa mga debaters at maayos namang nakilahok sa socialization kaming mga nanonood.

Pero hindi ibig sabihin noon e nawala na ang kaba. Well, hindi ko pinapakita ang kaba ko sa mga kapwa ko debaters — lalo na kina Kurt at Lyron na trip na trip ang asarin ako. Kunwari, chill lang. Kunwari, hindi sumasagi sa utak ang daranasing kahihiyan. Kunwari, hindi big deal ang lahat.

Iyong adjudication core (o judges) na mula sa Ateneo De Naga University Debate Society, nagsimula na para pasinayaan ang public speaking contest. Sinabi nila isa-isa ang mga criteria, pero dahil kapag kinakabahan ang isang tao ay nag-fa-fade out sa background lahat ng mga unneccessary voices, tanging “humor” lang ang naging audible sa mga criteria. Kailangan daw nakakatawa. Ano ako, stand-up comedian?

Una nang tinawag ang first contestant. Bumunot siya ng tanong at nagmuni-muni kung paano patatawanin ang audience sa loob ng tatlong minuto. Pagkatapos, umakyat siya sa stage at doon nalaman ng audience kung gaano kawalang-kwenta ang tanong sa kanya.

“So the question I got is… why is pizza put inside a box when a pizza is circular in shape?”, sabi ng first speaker. Basta, naglitanya siya sa loob ng tatlong minuto tungkol sa pizza… na walang nagtiyagang nakinig at nagkunwaring natatawa. Grabe naman! Well, tumawa ako nang pilit. Kung siya, hindi pakikisamahan sa pamamagitan ng pagtawa, paano pa kaya ako na kalimitang nasasabihang waley ang mga banat?

Nang matapos ang first speaker, sinundan siyempre ng second speaker. Habang nagsasalita ang second speaker, ipinatawag na ako malapit sa entablado para bumunot ng tanong at simulan ang tatlong minutong preparation time.

Dahil nais kong i-maintain ang aking pagka-astig, kunwari wala lang sa akin ang pagbunot. No big deal pare. Kinuha ko ang papel, binuksan, tsaran! Hanep. Ako na ba ang susunod sa yapak ni Venus Raj, Shamcey Supsup at Janine Tugonon?

Ang tanong na nakuha ko, “If you are given the chance to explore a person/thing/place/event, what/who would it be?”

Siyempre, aware na ako na tumatakbo ang 180 seconds. Isip-isip ng isasagot. Kailangan may humor. Event? Pwede ba ang future? Tipong i-e-explore ko ang grand finals para malaman ko kung aasa pa ako o hindi sa debate tournament. Kaso, anong humor doon? Napaka-common at expected na sagot kapag nagkataon. Madrama pa at magiging pre-lullaby sa audience. Kung place, bakit hindi na lang ‘yung mga dream destinations ko — gaya ng Paris, Italy o USA? Pero ine-echos ko lang ang sarili ko. Pakialam ko sa pag-to-tour around the world?

Natapos ang tatlong minuto. Tinawag na ang pangalan ko sa entablado. Hinawakan ko ang mikropono. Nagsimula ang panibagong tatlong minuto.

IMG_0565

You got three minutes to save the world!

“Good evening ladies and gentlemen,” bungad ko. Hesitant pa ako sa isasagot ko. Pero bahala na, nagkasubuan na sa ganito e. Ipinaalam ko na sa audience ang makasaysayang tanong na nabunot ko. Tapos nakita ko sa isang sulok na nagtatawanan sina Kurt at Lyron. Pusang gala talaga. Alam nilang sesemplang ako sa public speaking kapag sinamahan ng lintik na sense of humor.

“So ladies and gentlemen, my answer to this is quite odd. But if I were to be given a chance to explore anything I want to, I will most likely choose… [konting tigil]… the brain and the heart of my first ex,” pahayag ko sa mikropono. Oh my God! Wala nang atrasan ‘to! Biglang nag-react ang audience, parang nais malaman kung bakit. Iyong mga tao kanina na walang pakialam sa mga speakers na nabigong makapagpatawa, nabaling ang atensyon sa akin. Baka nga naman may ibubuga ako na kaya nilang malumod kahit papaano.

“So why, of all things, the heart and brain of my ex? Maybe because I’m so bitter about it, or, I just can’t move on. Well, they’re just the same but I prefer otherwise. Anyway, I won’t tell you so much about our love story or our story of love or whatever, but basically, I really fell in love.”

Ang lahat ng atensyon ng tao, nakabaling na sa akin. Iyong mga teammates ko at co-members sa debate society ng school ko, nabigla na. Nalintikan. Nag-public confession na ang kilalang conservative na katulad ko!

“I want so badly to explore her mind and her heart to find out if what she felt for me was really love, or she was just playing with my emotions. You know folks, that was my first experience about the complexity of love. Because I was so shocked about the feelings, I was deeply overwhelmed to the point that I had dedicated many of my poems to her in my blog.

“One of my poems even referred to her as my paraluman. The title of it, to be exact, is Alay sa Paraluman. The last lines went like, ‘Para sa paralumang hindi na kailangang pangalanan pa, putang ina, mahal kita’.”

Nagsimula nang magtawanan ang audience. Malupit. Kahit hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang nakakatawa sa kwento ko, hindi na lingid sa kaalaman ko kung gaano naging mabenta sa humanidad ang istoryang dinaplisan ng pag-ibig. Sinabayan ko pa ng putang ina sa dulo kaya siguro nagulat ang mga debaters.

Tinuloy ko ang litanya ko. “But ladies and gentlemen, the thing is, that relationship — which I really valued a lot — lasted for two days! So since the poem was written on Monday, the first day of us being a couple, and the post was originally scheduled to be posted in my blog on Thursday, I had to delete the post immediately because we broke up on Wednesday morning.”

Pati isa sa mga judges, hindi na napigilang tumawa. Iyong mga kasamahan ko na nakaupo lang at nakikinig, gulat na gulat yata sa lahat ng pag-amin ko. Diyusmiyo garapon! Nakakailang minuto na ba ako?

“But my point, ladies and gentlemen, is actually simple. I badly want to explore her heart and mind to find out if she gave back the love I offered to her or what she told me was a product of imagination… or exaggeration perhaps. I want the neurons of her brain to tell me up close and personal the truth of a two-day relationship. I want to know so badly, because on my part, I believed all along that it was real.

“Actually, I think I already knew the answer a long long time ago. But I was afraid, hesitant and in denial. Maybe I wanted a proof. Maybe I wanted to have a closure. Maybe because I’m still hoping. I don’t know ladies and gentlemen,” pagpapatuloy ko nang biglang pumalakpak ang taga-oras hudyat na tapos na ang tatlong minuto. “And with that, I end my speech. Thank you everyone.”

Pumalakpak silang lahat sa tatlong minuto ko. Iyong mga titig nila, hindi ko alam kung saang lebel ng pagkamangha. Dahil sa estilo ng sense of humor ko, o dahil sa public confession turned public humiliation. Pagkabalik ko sa table kung saan naka-assign ang teammates ko, hindi nila alam kung ano ang sasabihin. Sina Lyron at Kurt, niloko pa ako na kaibigan daw nila ako pero wala silang kaalam-alam. Si Bea at Andrea, kina-clarify kung mayroon pang second at third ex — tutal mayroong first. Iyong coach na kasama namin, inuulit na ako sa kung sinu-sinong babae na na-link sa akin dati.

Siyempre, sinabi ko na lang na imbento ko lang lahat ng pinagsasabi ko para manalo ako sa event. Pero dahil matatalino itong mga kasama ko, siyempre, walang naniwala sa third-class alibi ko. In-excuse ko muna ang sarili ko at dumiretso sa comfort room. Tumingin ako sa salamin at sinabing, “Putang ina! Ang gwapo mong lintik ka!”

Pagbalik ko sa hall na pinagdarausan ng break night, tuloy-tuloy pa rin ang public speaking. Pero wala na ako masyadong pakialam.

Ang ending, sa naganap na awarding kinabukasan ng hapon, naging matunog ang pangalan ko. Ang realization, “I talked about my love life for three minutes, and I got an instant medal as a reward the very next day.” O ha!

558411_471139776277037_1188140820_n

Public Confession + Public Speaking Competition = Public Speaking Champion + Medal

***

On a higher note, sa hindi inaasahang pagkakataon, nanalo na naman ako. Pramis, hindi ko talaga ine-expect. Simula pa lang ng Oriental Mindoro Inter Varsity Debate Tournament, nag-concede na ako sa sarili ko na hindi para sa akin ang pakikipag-debate. In fact, first round pa lang sa preliminary rounds, talo na agad kaming Team B — ako, si Lyron at si Andrea. Ikinalungkot ko nga iyon at gumawa ng sariling superstitious belief na kapag talo sa Round 1, talo na sa lahat ng rounds.

Buti na lang, nakabawi kami sa sunod na tatlong rounds. Bago ang Round 5, nakakuha kami ng win-loss record na 3-1. May dalawang rounds pa, at isang panalo na lang, pasok na kami sa quarter finals. Pagdating sa Round 5, nalintikan. Ang nakalaban namin ay Team A ng IHMA — sina Kurt, Bea at Hazel. Wala akong confidence labanan lalo na si Kurt (simula pa noong na-online prank last October) kaya na-intimidate na agad ako. Ang resulta, 3-2 bago ang Round 6. Thankfully, naipanalo namin ang sixth round para maka-advance sa quarterfinals.

Sabi ko nga sa Diyos, quarter finals lang naman ang goal ko. Kung hihigit pa doon, pasalamat na ako nang sobra. Sa totoo lang, dati, eager na eager akong ipanalo ang debate tournament. Nawala lang ang goal kong iyon simula nga noong October. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, sinwerte talaga kami. Nadepensahan namin bilang opposition side ang motion na “This house believes that the government should increase efforts in protecting the Filipino culture” sa quarter finals. Dahil doon, nag-advance kami sa semi-finals. Sa kasamaang palad, natalo ang Team A sa quarter finals ng school na natalo ng Team A namin ng dalawang beses noong preliminary rounds. Dahil nga knockout rounds ang higher rounds, laglag na ang Team A namin.

Diretso kaming Team B sa semi-finals. Ang kalaban namin… ang team na nakatalo sa amin sa first round. Sabi ko nga kay Lyron, para kaming pinalapa sa leon. Iyong team pa namang iyon ay wala pang talo simula’t sapul. Pero sa himalang takbo ng kapalaran, ang pinagdebatehang motion ay “This house celebrates the rise of Philippine independent films” at napunta kami sa opposition side. Kahit pa sa affirmative side ako ng debateng iyon, alam ko sa sarili ko na may laban ako sa pagkakataong iyon. Independent films ang topic. Naging hobby ko na ang pagbabasa ng movie reviews at pag-alam sa latest movie releases. Alam ko ang larong ibinigay sa akin.

Ang semi-finals na siguro ang pinakapaborito kong round sa lahat ng naging debate rounds ko sa buong buhay ko. Grabe, may pinatunguhan ang pagbabasa ko sa mga blogs ng movie critics. Binanatan kami ng kalaban ng mga facts katulad ng “El Presidente na pinalabas daw sa Cinemalaya” at “common films” bilang kabaliktaran ng “independent films”. Sa sobrang tuwa ko, taas-noo kong iwinasto ang mga false matters nila.

Nanalo kami sa semi-finals sa desisyon na 4-1 sa limang adjudicators. Gulat na gulat na ako na makarating kami nina Lyron at Andrea sa finals, e kung tutuusin ay hindi naman kami power team at sablay kami sa speaker scores noong preliminary rounds. Pero para sa amin yata ang titulo. Nakalaban namin ang team na tinalo namin noong Round 3. At ang motion na pinaglabanan namin kung saan kami ang government side ay “This house believes that indigenous communities should get a seat in congress”. First speaker pa lang ng opposition, ramdam ko na bumigay na sila sa laban. Nasagot na namin lahat ng arguments nila pero pare-parehas pa rin ang litanya nila. Sa biased adjudication ko sa reply, sinabi ko pa kung gaano ka-obvious ang laban.

Sa amin ibinigay ang panalo — 7-0, unanimous para sa amin. Wala na akong masabi, maliban sa napaka-unexpectded ng buong pangyayari.

Nakakatuwa dahil kung kailan hindi ko hiniling sa Diyos, tsaka niya ibinigay sa akin.

2029_586397624708988_245760684_n

Usap-usap ni Lyron at Andrea sa Round 3 ng debate tournament.

601175_586283258053758_474907505_n

Three idiots.

379275_586403101375107_770318520_n

Team A (Kurt, Hazel at Bea) vs Team B (Dwight, Lyron at Andrea) ng iisang school. Ang pinagtatalunan, walang kapararakang zombies.

397526_586431044705646_1303793203_n

Break night.

149996_586476844701066_535329219_n

Quarter finals.

601187_586466818035402_1241695164_n

Ang People’s Hall ng Provincial Government of Oriental Mindoro ang pinagdausan ng Grand Finals ng 2013 Oriental Mindoro Intervarsity (OMIV) Debate Tournament.

542530_586470718035012_1084979191_n

Ako lang naman ang Deputy Prime Minister! “Mister Chair and members of this House…”

483101_586484241366993_1499336528_n

Kasama sina Christine at Nina, mga dati kong kaklase.

75079_586484044700346_661202106_n

Hindi pa mag-sink in! Kaming tatlo nina Lyron at Andrea ang 2013 OMIV grand champions!

379353_586477324701018_31984000_n

Ang debate society namin pagkatapos ng awarding ceremony.

Team B of our school – Dwight, Andrea at Lyron – Grand Champions
(4-2 Win-Loss Record in the Preliminary Rounds; 5th Breaking Team)

Team A of our school – Kurt, Bea at Hazel – Quarterfinalists
(4-2 Win-Loss Record in the Preliminary Rounds; 2nd Breaking Team)

Public Speaking Champion – Dwight
Best Speaker of the Grand Finals – Dwight
3rd Best Adjudicator – Chealseah
5th Best Adjudicator – Lyka
9th Overall Best Speaker – Dwight

Advertisements

12 responses to “Tatlong Minuto sa Entablado

  1. Grabe, kung aawardan din ako ng medalya pag nilantad ko ang lablayp ko sa madlang people eh di ko sana iniwan ang debate society nong college! haha.
    Congratulations, Dwight! For some weird reason, sobra akong proud that I actually have you as one of my “online friends”. Keep it up, kid! I know you’ll achieve bigger things in the years to come!

    Like

    • Hello Sir Caloy! Di ko nga akalain na madali lang pala na makakuha ng medalya. Magpu-public confession lang pala sa stage patungkol sa romantic mishaps! LOL.

      Thank you Sir Caloy! In the next few months, sa UP Diliman na po ako mag-aaral. I hope na mas lalo pa akong mag-grow as a writer and a future broadcast journalist. 🙂 Thankful din po ako nakakilala ako ng underrated yet brilliant poet sa katauhan niyo. God bless! =D

      Like

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s