2013 Eh?

Hindi nagpaputok noong salubong.

Hindi kasi marunong.

Pagpasok ng school ay ginupit ang bigote.

At ang nangangaing research paper, wala pa ring abante.

A-attend pa ng sunod-sunod na press con.

Haharapin ang bagsak ng katotohanan sa entrance examinations.

Papasa siguro ng USTET, may pag-asa rin sa ACET.

E mahabaging Diyos, kahit UPCAT lang please?

Ipapahiya ang sarili sa debate tournament.

Magpapakabanal sa Provincial Bible Quiz.

Magpapaka-wallflower sa JS.

Pake ko maging sa Best Dressed?

Luluwas-luwas nang ilan pang beses.

Ganu’n talaga ‘pag maraming appointments.

Kukuha pa ng dalawang exams.

Lintik na prelims at pusang galang finals.

Bibilangin ang nalalabing araw bago ang katapusan.

Tapos i-a-announce ang class valedictorian.

Itatadhana siguro na gumawa ng talumpati.

At sa ilang linggo, pakikinggan ng marami.

Pagtapos ng pagtugtog ng graduation sound effects ay tutulo na ang luha.

Mantakin mong apat na taon din ang ginugol sa isang madugong kabanata.

Magpapaalaman na rin sa mga kaklase.

People come and go e.

Tapos luluwas na ulit.

Tapos babalik.

Ihahanda ang sarili sa panibagong pahina.

Mas mabuting may binubuklat kesa wala.

Kung sa UP, Los Banos o Diliman.

Kung sa UST, Espana.

Kung Ateneo, Loyola Heights.

Kung wala sa tatlo, putragis, saan?!

Maninirahan sa dorm, sasanayin ang sarili sa hangin.

Hihiga sa di pamilyar na kama at mananaginip nang gising.

Tapos fast-forward, ganap na college freshman.

‘Wag lang nawang ma-bully ng can’t-be-reached na upperclassman.

Haharap sa professors with emphasis on the ‘s’.

At ang projects nila, with emphasis on the ‘s’ pa rin.

Hahanap ng bagong kaibigan.

Isisiksik ang sarili para may mapasukan.

I-e-explore ang Maynila.

At higit sa lahat, ang sarili niya.

Tatapos lilipas ang panahon.

Boom, isang taon na pala ulit ‘yun?

Babalik sa pinanggalingan.

At magdiriwang ng Kapaskuhan.

Sasalubungin ulit ang papalapit na bagong taon.

Lokohin pa ang sarili sa New Year’s resolution.

At sa salubong, magpapaputok na siya.

Sa dami ng naranasan, malamang, naturuan na.

Advertisements

3 responses to “2013 Eh?

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s