Alay sa Paraluman

Ang mga taludtod na ito ay alay sa sinisinta

Na nanghimasok sa puso ko, agad-agad, bigla-bigla

Paraluman na lamang ang itatawag sa kanya

Sapagkat tingin ko, siya’y ‘di na dapat pangalanan pa

Para sa isang paralumang matagal nang kakilala

Ang kasalukuyan ko’y tila nananaginip ba

Minsa’y titingin sa salamin at magtatanong

Ba’t sa ganitong estado tayo humantong?

Di ko lubos akalain na paraluma’y maaangkin

Akala ko pa mandi’y bituing sobrang ningning

E ngayon, siya ay ganap nang akin

Putang ina, hindi ko lubos akalain

Para sa aking paraluman, kung ako’y nananaginip

Huwag mo akong gambalain ‘pagkat masarap ang pag-idlip

Ikaw lamang naman ang laman ng isa’t libong isang pantasya

Ganyan kita kamahal, tingnan mo, nabilang ko pa

Paraluman ko, pinasaya mo ako nang lubusan

Mantakin mo, parehas pala tayong nagmamahalan

Kaya pala makapangyarihan ang pagsambit ng “Mahal kita”

Lalo na kapag may laman at emosyon, tila panata

Paraluman ko, pakinggan mo lang ang aking kahilingan

Sana’y katulad tayo ng salitang ‘paraluman’

Galing pa sa panahong klasikal pero hanggang ngayo’y matibay pa

At katulad ng salitang iyon, ito’y magiging kasaysayan nating dalawa

Para sa isang paralumang hindi na kailangang pangalanan pa,

Mahal kita.

***

(Isinulat ko ito dalawang buwan na ang nakararaan. Noong mga panahong inlababo ako nang sobra. Dahil tapos na ang mga panahong iyon, nasa kategorya na ito ng Piksyon.)

Advertisements

9 responses to “Alay sa Paraluman

  1. “Dahil tapos na ang mga panahong iyon, nasa kategorya na ito ng Piksyon” – Napatawa ako dito ng malakas. Piksyon kaagad, di pwedeng old memory or old flare? 😀

    Mahusay! Poetry is the written account of intense thoughts and deep emotions. These emotions could just be a phase but it’s a phase worth going through.

    Have a great day Dwight.

    Like

    • I think it’s one of the best poems I have written. Punong-puno po kasi ako ng “nag-aalab” na damdamin that time. But well, bakit nga ba fiction? Kasi… mas mabuting isipin na ang isang pangyayaring may talsik ng pagkabigo ay kwento lamang na binuo ng isipan, at hindi tunay na karanasan na hanggang ngayon, kung babalikan, ay baka pagsisisihan. XD

      Have a great day Kuya June!

      Like

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s