Dati

Balik tayo sa dati

Depende sa pagkakahulugan natin ng dati

Ang ‘dating’ tinutukoy ko ay ang nakaraan

Bago pa ang naganap sa nakaraan ng kasalukuyan

Wala akong pakialam kung magulo

Kasi alam naman natin ang totoo

Bali tayo sa dati

Parang walang nangyari

Nakalimutan na bang talaga?

E nagkukunwari lang ang bawat isa?

Wala akong pakialam sa tamang sagot

Pero kahit ganoon, hindi ako takot

Balik tayo sa dati

Kahit na mayroon naman talagang nangyari

Kasi naman tayong dalawa ay nagmamaang-maangan

Para lang maging magkasamang muli sa ating kasalukuyan

Ang pinili natin ay itago ang sadya namang nakikita

Kasi hindi naman maiintindihan kung pag-uusapan pa

Balik tayo sa dati

Sa mas mabuting pagpapakahulugan ng dati

Pero ano ba talagang alam natin

Ngayong litong-lito tayo sa ‘atin’

Mapapamura muna ako kasi wala naman akong naintindihan

Putang inang pag-ibig, ano bang ‘dati’ ang kailangan sa kasalukuyan?

Advertisements

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s