Mga Gabing Hindi Natatapos

“Maaari bang humiram, isang gabi sa iyong tagiliran?
Upang aking lang malaman dahilan ng iyong paglisan
Pagkat ngayong gabi, ako’y luhaan”
– Ngayong Gabi, Jericho Rosales

***

SUNOG SA PAARALAN

Linggo ng gabi, nagulantang ang tito kong guro ng paaralang pinapasukan ko sa isang nakakagimbal na balita. May tumawag sa kanyang isang kaibigang nakatira malapit sa paaralan. Ang balita, nasusunog ang aking eskwelahan. Hindi makapaniwala ang buong kabahayan. Hanggang sa nakita ko na sa Facebook ang sunod-sunod na pagkumpirma ng pangyayari. Nakakapanlumo, dahil sa loob ng dalawang oras, maraming bagay ang naabo.

Sunog sa paaralan. Mula 6:45 – 9:00 ng gabi noong Oktubre 7.

Natagalan daw bago nakaresponde ang bumbero ng munisipalidad. Ang dahilan ayon sa marami, nagpa-refill pa ng tubig. Naunahan pa sila ng fire department ng ibang munisipalidad. Dahil doon, natupok ang school canteen, piano room, at limang magkakasunod na silid-aralan. Kabilang na iyong amin.

Kinaumagahan, bumisita ako sa paaralan kahit na suspendido ang klase. Siyempre, hindi ako nagboluntaryong magbubuhat ng mga gamit. (Dahil alam kong pagtatawanan lang ako ng mga guro at mga kamag-aral na sasabihing trying-hard akong tumulong) Sa halip, nandoon ako para i-cover at mangalap ng impormasyon sa naganap na sunog. Pinuno nga kasi ako ng dyaryo at administrator ng online student communications club kung kaya’t marami ang nagtatanong sa akin kung ano nga ba ang nangyari sa paaralan.

Ang silid-aralan namin, bago at matapos ang sunog.

Ang silid-aralan namin ang huling klasrum na pinasok ng apoy. At dahil noong mga panahong iyon ay nagawa nang rumesponde ng mga bumbero, kalahati lamang ng silid-aralan ang natupok. Magkakasunod kasi ang limang silid-aralan at ang tanging pagitan lamang ng mga silid-aralan na ito ay kahoy na dingding. Noong binisita ko ang aming klasrum, makikitang nasalba pa naman ang ilang gamit, maliban sa katotohanang nangitim ang mga ito.

Nakakalungkot lang. Kahit papaano kasi, doon binuo ng klase namin ang limang buwang alaala sa aming huling taon sa sekondarya. Isa pa, pinangarap ko ang silid-aralang iyon dahil sa angking lawak nito. Kumbaga, reward na ito para sa mga fourth year Special Science Class students na nagawang lampasan ang mga pagsubok sa unang tatlong taon ng high school.

Hindi katulad ng mga kaklase kong maraming naiwan sa silid-aralan (kagaya ng ma natupok na libro), Bible ko lamang ang naiwan ko. At nabasa lang siya, pero hindi nasunog!

Iba pang mga nasunog na klasrum.

Noong mga panahong iyon, inisip ko na panahon na para patunayan ang silbi ng campus press sa paaralan. Siyempre, nanguha kami ng mga larawan para makita ng mga curious na alumni at mga mag-aaral na hindi pinayagang makapasok ng school campus. Isa pa, nag-interview na rin kami ng mga nakasaksi sa mga nangyari nang sa gayon ay matigil na ang mga ispekulasyon at haka-haka sa posibleng pinagmulan ng sunog.

Iniinterbyu si Sir BJ, ang school paper adviser namin na nakasaksi ng pangyayari. (Eksakto, parehas pa kami ng sinuot na damit!)

Ayon sa mga reliable sources, bandang mga 6:40 ng Linggo ng gabi, napansin ng marami ang biglang pag-fluctuate ng kuryente sa buong munisipalidad. Sa loob ng paaralan, napansin din ito ni Sir BJ na nasa loob ng faculty room, ilang metro mula sa school canteen. Lumabas siya ng faculty room para silipin kung ano ang nangyari. At doon na lamang niya napansin na nagliliyab na ang refrigerator ng canteen.

Sabi ng canteen head, sa halaga pa lamang ng mga softdrinks, umaabot na sa mahigit tatlumpung libong piso ang nawala. Hindi pa kabilang doon ang kabibiling supply ng pagkain ng canteen. Idagdag pa roon ang mga equipment ng bawat silid-aralan at dalawang piano at band instruments sa piano room.

Ang school canteen at limang silid-aralan.

Dahil sa nangyaring ito, nagkaroon ng positibong epekto sa campus press. Sa kauna-unahan sigurong pagkakataon, nakita kami ng school administration hindi bilang mga estudyanteng ang kayang gawin ay gumawa lang ng school paper, kundi mga estudyanteng kayang mag-reach out sa marami pang indibidwal. Tinext ako ng principal at sinabing ipaalam ko raw sa fan page ng aming school paper organization na nangangailangan ang paaralan ng tulong para maisaayos ang mga nasirang imprastraktura. At dahil pinagkatiwalaan naman kami, hindi na namin siya binigo.

Gumawa kami ng abiso sa pamamagitan ng larawan na nangangailangan nga ang eskwelahan ng tulong. Sa loob ng wala pang 24 oras, naka-270 shares na ang nasabing larawan. Hindi lang iyon, ang fan page namin na may 170 likes lamang noong bago maganap ang sunog ay mayroon nang 350+ likes sa kasalukuyan. Nakakatuwa lang isipin na kahit papaano, nagbubunga na ang aming paghihirap.

Ang proyekto ng aming school paper organization na online student fan page ay naging online inquiry center para sa mga alumni.

Pero higit pa roon, mas nakakatuwa na maraming alumni ang nagtatanong sa aming mga staffers sa mga impormasyon para makatulong. Siyempre, ibinibigay namin ang contact numbers at mga account numbers kung saan pwedeng magdeposito ng pera. Ang mga mag-aaral din ay unti-unti kaming nakilala. Kahit sa ganoong paraan, magaan sa pakiramdam na nagawa naming makatulong sa aming mumunting paraan.

Sa ngayon, pinaninindigan ng buong school community ang hashtags nitong #PrayforIHMA at #RebuildIHMA. Naniniwala kaming sa aming pagtutulungan, mababangon muli ang paaralan.

***

MIDNIGHT IN PARIS AT PREMYO RIZAL

May mga naganap pa noong mga nakaraang gabi. Hindi naman ganoon karamihan, makahulugan lang.

Nanoood ako ng Academy Award-winning film na Midnight in Paris. Maganda naman, kaso confusing. Hindi kasi ako pamilyar sa mga international classic writers kaya hirap akong i-identify ang mga characters at mas lalong higit, intindihin ang mga sinasabi nila. Pero hindi ko natapos ang palabas, nakatanggap kasi ako ng magkakasunod na text.

Unahin ko muna ang text mula sa guro ko sa English. Finorward niya sa akin ang text ng special events coordinator ng Deped Oriental Mindoro sa kanya.

Sabi ng English teacher ko, “Ma’am, good eve. I’ve just received the result of the Regional PreMYo Rizal Essay Writing Contest. Dwight placed second. His essay also qualified for the national level. Congratulations! – Text ni Sir Felix [Special Events Coordinator]. Yey! Congrats Dwight!”

Tinext ito ng English teacher ko sa panahong hindi ko inaasahang makukuha ang resulta. Sa panahong katatapos lang magkaroon ng sunog sa paaralan. Sa panahong ginagambala din ako ni ex. Sa panahong ginagambala ako ng iba pang ganoon kaimporante. Sa panahong nag-co-connect the dots ako sa kakapanood ng Midnight in Paris.

Tuwang-tuwa ang lola ko, ang kapatid ko, ang tito ko, ang mama ko. Pero ako, okay lang. Nagpasalamat ako sa Diyos dahil pasok ako sa nationals, at kapag nagkataong sinwerte ang gawa ko out of 51 national contenders, mag-uuwi ako ng hindi bababa sa limang libong piso. Pero hindi ako ganoon kasaya. Kahit ano yatang gawin ko, hindi ako na-fu-fulfill ng second. Siyempre, mas masarap maging kampyeon. At kalimitan, mas gusto kong maging third. Pero hindi second at fourth. Mas mabuti nang talo.

Pero okay na rin. At least, pasok sa nationals. Alam kong pinapagaan noong English teacher ko ‘yung loob ko. Sabi niya, hindi raw niya masyadong naipagdasal iyon, kaya mas lalo niyang hihigitan sa national finals. At tsaka, iba raw ang set of judges sa national level. May pag-asa rawako.

Sana nga.

Kasama ko ang English teacher kong tumanggap ng first place recognition sa PreMYo Rizal noong division level pa lamang. (Walang awarding ceremony para sa ikwinento ko ngayong resulta ng regional level.)

***

DADAANIN KO NA LANG SA TAWA

Ka-text ko si ex at may pinag-uusapan kami noong mga panahong iyon noong natanggap ko ang balita patungkol sa PreMYo Rizal.

Ex: Anong oras ang tulog?
Ako: Hindi ko alam. Tumigil ako sa kakapanood [ng Midnight in Paris]. Naka-receive ako ng balita sa teacher ko sa English. Second essay ko sa reional. Qualified ako sa nationals.
Ex: Ah? Wow, congrats! Galing ah! Good luck sa nationals!
Ako: Salamat!
Ex: Love u? Hahahahaha! Joke lang!
Ako (sa isip-isip): In-born talaga ang pagiging paasa at flirt! Pucha!
Ako (sagot sa text): Hahahahaha!

***

BOOM!

Ex: ‘Yung ako nag-ha-hallucinate nang sobra.
Ako: Hahahaha!
Ex: Masaya ka noon?
Ako: Natanong mo na ‘yan dati. Redundant na.
Ex: Hindi pa e. Baka nakalimutan ko lang. Ano feeling mo noon?
Ako: Hanep. Ba’t ba binabalikan pa ‘yan?
Ex: Masaya ka noon di ba?
Ako: Noon, oo. Pero wala na sa ‘tin yon  di ba?
Ex: Mahirap makalimutan iyon. When you held my hand with our fingers crossed tightly, boom!

(Patawarin niyo na ako kung bakit sa kabila ng lantad na katotohanan e nakikipag-usap pa rin ako sa taong ‘to. At may lihim na kaligayahan. Tsk tsk.)

***

KASABIHAN

Kausap sa text isang gabi ang isang taong takot akong bigyan ng matinong alias.

Ako: Labas ‘yung pangyayaring ‘yon sa samahan natin. Nagkataon lang sigurong may di rin tayo pagkakaunawaan sa ibang bagay.
Unnamed: Ewan ko sa’yo. Baka itinakwil mo na lahat ng mayroon sa atin. Di ba may kasabihan na kapag may masakit na nakaraan, agad itong kalimutan?
Ako (sa isip-isip): Kasabihan your face! Saan mo nakuha ‘yan? Di ka naman ganyan dati ah!
Ako (sagot sa text): Galing ah.

Mga walang kwentang pagtugon. I know right.

***

HULING TANONG

Tinanong ko ang isang ibang tao, dahil kausap ko rin siya sa gabi pa ring iyon, ng tanong na gusto kong mabigyang linaw.

“Noong siniraan niya ako sa’yo, bakit hindi mo ako pinagtanggol?”

Hindi na siya sumagot. Marahil iniwasan ang tanong. Nagtapos ang usapan, pero hindi ang buong magdamag. Nagsisimula na ang madaling-araw, pero hindi natapos ang aking gabi.

***

“Ito ba ay bunga ng kamalian
Pag-ibig ko nga ba ay nagkulang
Sana ngayong gabi ay iyong malaman
Sa puso mo sinta, ang aking daungan”
Ngayong Gabi, Jericho Rosales

Advertisements

13 responses to “Mga Gabing Hindi Natatapos

    • Hindi ko nga alam kung appropriate pagsama-samahin ang mga kwentong ito sa isang blog post. ‘Yung idea lang naman ng ‘gabi’ ang nag-co-connect sa kanila.

      ‘Yung kay ex, sa totoo lang, may lihim na tuwa pa rin ako kasi kahit biro ‘yun, half-meant. Di ba, at least may possiblity na totoo. LOL. Pero kahit pa, alam ko namang hindi na niya ako mahal (o wag nang ‘mahal’, ‘gusto’ na lang tutal nag-‘hallucinate lang naman daw ang pucha noong nag-holding hands kami). Kaya kahit may tuwa, may inis din. Paasa ang leche. Palibhasa ‘di niya ma-gets ‘yung idea na sa kanya ako kauna-unahang nahulog. Kaya masakit. (HAHAHAHA!) Ang gulo nung sinabi ko, basta parang ganun. Pero grabe naman, ‘makati’ agad? Well, bitter ako e. Kaya a-agree na lang ako. Wahahaha!

      Like

      • tungkol sa post mo na ‘to, hindi naman ako nabagabag sa halo – halong kwento. nasabi mo naman ang nais mong iparating. na parang napakahaba ng isang gabing iyon para madigest lahat ng nangyare. 🙂

        at sadyang may mga ganyang ex. lakas makamanipula ng nararamdaman. pero, anong malay naten di ba? sakyan mo na lang! tas joke – joke – an mo den para malaman naten kung sinong mas masasaktan. bwahahaha (tawang may paghihiganti) haha. 😀

        Like

        • Actually mayroon na rin akong finormulate na ‘ganti’ (hahaha!), pero mabagal ang proseso kaya matagal-tagal pa niya bago maramdaman ang epekto (pero sisiguraduhin kong mas masakit, LOL). Ang totoo, kalimitan, hindi naman ako ang gumagawa ng ganti sa mga taong kagalit ko. Parang ano, ayun, minalas lang sila. Tapos iniisip ko na lang sa sarili ko na ako ang may gawa nu’n. Na pinaboran ako ng tadhana at kinarma sila. Hahaha! XD

          Like

  1. Nakakalungkot yung nangyari sa iskul ninyo, pero at least nasa limelight na rin yung campus journalism club niyo. Sunugin kaya namin skul namin (Hehehe. Biro lang)

    Tungkol na man sa usaping lovelife, bago pala kayong “hiwalay” ng girlie mo. Hahaha. Ako rin. Bagong “hiwalay” ako sa girl ko (kahit di naman kami talaga). Di ko alam kung bakit nagkaganoon na lang. Konting dulas lang ng dila ko. Di na namamansin. Tapos naghanap pa ng iba. Masakit, pero ganyan talaga.

    Tiyak magiging maganda yung love story(?) niyo ng “ex” mo. Tiyak ako ang isa sa mga susubaybay sa mga webisodes. Hehehe.

    Like

    • Well, nag-boost ‘yung likes noong fan page na itinayo namin. At kahit papaano, naka-gain kami ng exposure. Sana nga magtuloy-tuloy na.

      Girls are unpredictable. Minsan nga, isinusumbat ko ‘yun sa kanila kapag mga debates. Or, as we boys will say it, “Girls talaga!” (That’s an expression, LOL.)

      And my ex? That human being is so so last month. November na! Wahahaha! Fortunately, wala na siya sa panaginip, gunita at bituka ko. Natuto na rin akong sumuka, hindi lang ng alaala, pero ng walang katuturang pag-asa.

      Like

  2. Nakakalungkot yung nangyari sa iskul ninyo, pero at least nasa limelight na rin yung campus journalism club niyo. Sunugin kaya namin skul namin (Hehehe. Biro lang)

    Tungkol na man sa usaping lovelife, bago pala kayong “hiwalay” ng girlie mo. Hahaha. Ako rin. Bagong “hiwalay” ako sa girl ko (kahit di naman kami talaga). Di ko alam kung bakit nagkaganoon na lang. Konting dulas lang ng dila ko. Di na namamansin. Tapos naghanap pa ng iba. Masakit, pero ganyan talaga.

    Tiyak magiging maganda yung love story(?) niyo ng “ex” mo. Tiyak ako ang isa sa mga taga-susubaybay. Hehehe.

    God bless sa iyo!

    Like

  3. ayeeeee! parang may nag flashback din sa akin yung ganyan si ex. hahaha PBB teens! pero sabagay, mukhang hindi dito nagtatapos ang kwento ninyo… naamoy ko ang usok.

    tungkol naman sa sunog, ang magandang ibinunga na rin ay ang pagkakapansin ng school press. gayunpaman, sana ay hindi na kinailangan pa ng trahedya para magkaisa dba?

    Congrats nga pala sa award mo! mahusay na bata.

    Isang mahabang gabi pala kaya antagal mong nawala dito sa WP.

    God bless!

    Like

  4. Napakaraming mga pangyayari ang naganap at naikwento sa blog post na ito ah. I pray na maayos na as soon as possible yung paaralan niyo. Pati narin ang paglaban mo sa Nationals! (Galing mo. The best!) At si Ex? Hmm. Mukhang marami pa kayong dapat pag-usapan. Sige hanggang dito na lang.

    Like

  5. The school is in the process of ‘rebuilding’. Nakakatuwa kasi maraming alumni ang nagbibigay ng tulong sa eskwelahan.

    Si ex? Hindi na po namin pinag-usapan. Ang awkward kapag ganoon. Baka kasi kapag pinag-usapan, wala nang matira — kahit katiting na pagkakaibigan.

    Thanks po sa pagbisita! National judging will be held anytime in November. Hindi ako umaasa, nationals ‘yun at hindi pa ako ganoon kagaling sa pagsusulat. At least, kapag nanalo ako, magiging supresa talaga dahil wala ako kahit expectation. 🙂

    Like

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s