Kinse

Bibilang ka ng isa hanggang labinlima

Para haba ng buhay mo ay sadyang madama

Kahit bata pa’y tumatanda na

O kinse anyos na nilalang, ano na bang mayroon ka?

Sapagkat sa edad na kinse, hindi mo napansin

Kung paanong nagbago ang iyong paningin

Sa hindi mabilang na sandali, umapoy ang damdamin

Ano batang edad kinse? Akala mo ganoon pa rin?

Mantakin mo labinlimang taon, at malayo ka na

Sa madungis na musmos sa gulang na lima

Hindi ka na nadarapa’t nagagalusan sa pakikipaghabulan

Pero kahit ganoon, sa ibang paraan, ikaw ri’y nasasaktan

Dahil hindi ka na ang paslit na madaling mapatawa

Sa makulay na laruang tinitinda sa gilid ng eskinita

Kapag ikaw ngayo’y nalulungkot, sigurado kang iyo’y kalungkutan

At mahirap nang mabili ng pera ang kahit saglit na kasiglahan

O ano ngayon, kinse anyos na patuloy na lumalaki

Akala mo’y ang pinagdaanan ng nakatatanda’y ganoon kadali?

Pwes alam mo na kung bakit maging sa pelikula, sila’y umiiyak

Dahil ang talagang masakit ay talagang mahapdi, iyon pala ay tiyak

Sa ikalabinlimang taon, alam mo naman kung ano ang nangyari

Na ikaw ay nagmahal at nasaktan, at hindi mo iyon mawari

Tila higit pa ito sa pagkakadapa sa magaspang na semento

Sapagkat ngayo’y hindi tuhod kundi puso ang para bang naikiskis dito

At ang hiling mo na lamang ay madagdagan na ng numero

Ang gulang mo ngayon na sa isip-isip mo ay puno ng perwisyo

Na inakala mong madali at mabilis din kung lilipas

Pero ang wari mo’y sa mismong gulang na ito pinatigil ang oras

Kinse anyos, makinig ka, dahil tama ang kumakanta

Ikaw man ay tumatanda na, ang puno’t dulo’y pa ri’y bata ka pa

Na sa edad mong ganyan, kapag may nagsabing mahal ka niya

Kahit pa lantaran na ang tama at mali, maniniwala ka.

Advertisements

2 responses to “Kinse

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s