Tatlumpung Araw sa Isang Huwebes

Naririnig niya ang tinig ng nakaraan

Ilang pulgada lamang ang pagitan

Utal-utal ang kanilang pagbigkas

Sa bawat salita, hinahanap ang lakas

 

Hindi nagtatama ng tingin ang dalawang panahon

Sa timbre ng boses, hinahanap ang hinahon

Binabalikan ang istorya ng sa madali’t sabi’y nakalipas

Pero hindi ang mga tunay na nangyari, sapagkat may pag-iwas

 

Sadyang nais lang ikubli ang nagawang kamalian

Nagkakamustahan na tila ba mahalaga lamang ay kasalukuyan

Pero lihim na magtataka ang dalawa,

May maisasalba pa ba sa kasalukuyan nila?

 

Sapagkat siya ay aminado pa ring lumilingon

Sa mga alalaalang hindi nauupos hanggang ngayon

Markado niya na ang araw na ito

Ay isang buwan makalipas umusbong ang pagmamahalang bigo

 

Bumulong ang kanyang nakaraan, dinig niya

Sabi pa’y hinahanap pa rin siya

Kaso’y ang takot masaktan at nagsimulang magpakasegurista

Nagbingi-bingihan na lamang sa pagsusumamo ng dating sinisinta

 

Hindi niya alam kung bakit sa kabila ng lungkot

Tumilamsik pa rin ang ligayang takot

Basta’t nawalan siya ng pandama sa lahat ng tunog

Tanging paghinga lamang ng katabi ang nagkaroon ng alindog

 

At ang nakalipas ay tumayo, nagpaalam, lumisan

Siya nama’y nagkunwaring walang pakialam

Pero sa loob-loob ay may madugong digmaan

Isang makasaysayang paligsahan ng nararamdaman

 

Tumingala na lamang siya sa langit, parang sa pelikula

Iniusal sa isip na sana’y huminto na lamang ang pag-alala

Na sana isang buwan makaraan ang panandaliang pag-iibigan

Mawala na nang tuluyan ang kanyang kalungkutan

Advertisements

4 responses to “Tatlumpung Araw sa Isang Huwebes

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s