Kung Nakapagsasalita Itong Mga Hindi Gumagalaw

I

Kanina pa siguro ako pinagmamasdan
Ng mga bagay-bagay na hindi gumagalaw
Walang buhay, walang pulso, walang hininga
Pero malamang kung mayroon, kanina pa ako namura

II

Siguro kapag mag-isa na lang ako sa sarili kong kuwarto
Bilang isang nilalang na kung may anu-anong bisyo
Baka kanina pa ako naisuklo
Ng pader, ng kisame, at ng pintong walang kandado
Paulit-ulit siguro silang sisigaw at gagambalain ako
Nang sa gayon ay matigil ang kabalastugang ito
O kaya ay hihiyaw hanggang madinig sa kabilang kwarto
Tapos ay isusumbong ang gawaing sa dilim itinatago

III

E kung ito kayang screen ng sikat na makinarya
Na kaharap ko ngayon habang patuloy sa pagtipa
Kapag ito ang may buhay, sinampal na yata ako noon pa
Dudukitin ang mata at magmamaniobra
Sasabihing “Bata ka pa, bawal pa!”
At ako nama’y magpapatay-malisya
Hindi na marahil mabilang ang lantarang lihim sa kanya
Kaya buti na lang, hindi siya humihinga

III

Ipagpasalamat na rin siguro na salamin ay walang recorder
Malamang ang nasasakdal ay matagal nang nabigyan ng court order
Kawirdohan, kagaguhan, at mga kasentihan ko
Saksi ang repleksyong ako mismo ang bumuo
Pero sa lahat ng nakakita, salamin siguro ang magiging kasangga
Kung sakaling naging nilalang din at nagawang huminga
Magiging kunsintidor ng katotohanang tatanga-tanga
Sapagkat siya ay ako, at ako ay siya

IV

Pero sa huli’y lulunok na lang ako nang malalim
Mantakin mong maraming nagmamasid pero wala namang tinig
Buti ako ay mayroon at nagagawa ang hilig
Kaya babalik na lang ako sa kwarto at isasagawang muli ang lihim

Advertisements

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s