Suki ng Quiz Bee

Nakasali na ba kayo sa kahit anong quiz bee contest? Gaano kayo na-pressure? Ilang araw ang nilaan niyo para mag-review? E manalangin na sana ma-mental block ang lahat ng mukhang mayayabang mong kalaban sa kaorasan ng laban? E ikaw, inatake ka ba ng mental block (mas malakas ang panalangin ng kalaban mo kung ganun)? Nanalo ka na ba? Ilang beses? Natalo ka na ba? Gaano kadalas? Masaya ka ba? Humagulgol ka bang parang bata? Kung bibigyan ka ng pagkakataon, uulit ka pa ba?

Hindi na ko magpapaka-humble (hindi ako ganun). Simula Grade 1 pa lang ako, kasali na ako ng quiz bee contest. Kung bibilangin ko ang dami ng pagkakataong naging kinatawan ako ng paaralan sa paligsahan, pangako, di mo gugustuhing mapagod kakaisip kung ilan ba talaga. Suking-suki ako ng Quiz Bee. Mapa-Math, Science, Filipino, English, at maging Social Studies, nalabanan ko na ‘yan lahat! At dahil magaling akong tsumamba (o talagang malakas lang ako kay Lord), kalimitan, nananalo ako.

Masarap sumali sa quiz bee contests. Noong Grade 1, una akong lumaban sa Tagis-Talino sa buong probinsya. Filipino contest yata ‘yun na may halong general information. Wala na ko halos matandaan maliban sa tanong kung sino ang gobernador ng aming lalawigan (ano namang kinalaman ng walang pakialam na bubwit sa pulitika?). Pero ganoon pa man, ayun, sabi ng memorya kong naghihingalo para may maalala, binuhat na lang ako ni Papa sa sobrang tuwa at pinuri nang parang walang bukas ng teacher kong proud na proud. Champion daw ako. (At natuwa na rin ako noong mga panahong iyon. Unang beses kong makatanggap ng gold medal na para bang hayop ang katalinuhan ko.)

Noong Grade 1 din ako unang nakaranas ng pagkabigo. Pebrero noong school year 2003-2004 (Hanep! Tanda ko pa ‘yun?), lumaban ako sa MTAP Division Math Orals (basta quiz bee ‘yun). Ka-partner ko iyong kaklase kong first honor. May easy round, average at difficult. Siyempre, iba-iba ang puntos. Ang mas exciting doon, pagkatapos ng bawat tanong ay tsinetsekan at nilalagay ang puntos sa blackboard. Natapos ang laban. Hindi kami nag-champion. Pang-second.

Pinilit kong hindi umiyak noon. Pero noong umiyak si first honor kong classmate na babae, hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha ko. Grabe! Iniyakan ko talaga ‘yun? Napagtanto ko na kahit seven years old pa lang ako noon, kinakitaan na agad ako ng pagiging competitive. Noon pa lang siguro, ayoko nang second place. Dapat first. Dapat gold.

Anyway, nagpatuloy ang paglaban ko sa quiz bee. Noong elementary, kalimitan, Math contests (dahil annual ang pagdiriwang noon). Lumaban din ako sa Science noong Grade 5 at Grade 6 pero hindi ako pinalad. Pero alam kong may halong daya na ‘pag sa science. Science Trivia kasi ang nilabanan ko noon. Mantakin mo, 3 out of 20 lang ang nakuha kong score, samantalang ‘yung mga nag-to-top, one mistake! E lahat pa mandin ng tanong doon ay “everything under the sun”. (So wide reader ka sa edad na labing-isa? Na lahat ng nabasa mo e swerteng naitanong sa nilabanan mo? In your face!) Pero wala akong hinanakit doon. Dahil ‘di ko naman hilig ang science at wala akong panahon para makipag-“solve the puzzle” sa human anatomy.

Ngayong high school, patuloy pa rin ang pagsali ko sa quiz bee contests. Para manalo, siyempre, nag-e-effort ako. Ang isip-isip ko kasi, hindi naman ako sumasali sa kompetisyon para lang makita ko ‘yung maangas kong kalaban na sinasabitan ng medalyang kaya ko rin namang makuha. Noong first year, champion ako sa Math. Noong second year, ahmmm… wala pala akong napanalunan noong second year! (Maliban kasi sa Math quiz bee, wala na yata kong sinalihang ibang quiz bee contests noon). Noong third year, isang champion sa MIMAROPA Science Quiz Bee (naks!), isang first place sa Division Math Quiz Bee, at isang second at isang fourth sa Social Studies (arrghh!). Teka? Ba’t ko nga ba ‘to sinasabi? Hindi ko rin alam e. (Joke, trip ko lang magyabang.)

POP ED QUIZ BEE

Gumawa ako ng reviewer ko para sa Pop Ed Quiz Bee. On a scale of “sobrang ganda ng sulat mo!” to “weh, sa ‘yong sulat ‘yan?”, gaano ka readable ang penmanship ko?

Well, Setyembre na. At simula na ng mahaba-habang quiz bee season (imbento ko na naman). At bilang panimula, kasali ako sa District Population Education Quiz Bee (naks, ano ‘yun?). Noong Biyernes lang sinabi sa akin na kasali ako. At ang matindi, sa Lunes na ang contest! At para mas lalong pakapalin ang mukha, sa school namin gaganapin ang contest! Ngayon pa lang, nahihiya na ako kay Classmate 1 (mahilig kasi kaming magyabangan noon). Nahihiya akong matalo, nasa home field pa mandin ako.

Siyempre, sa kulang-kulang isang dekada ng pagsali ko sa ganitong patimpalak, may napagtanto na rin naman ako. Katulad ngayon. Una, ang ganitong klase ng quiz bee ang pinakaayaw ko. Puro kasi kabisaduhan. Ayoko sa lahat, iyong parang isisiksik ko sa utak ko ang pagkarami-raming impormasyon na sooner or later ay kakalimutan ko rin naman. Parang pag-ibig, magpapasok ka sa buhay mo ng taong alam mong kakalimutan mo at kakalimutan ka rin sa bandang huli. (Joke, walang connect, continue.)

Pangalawa, ayoko sa lahat ng quiz bee competitions na sinasalihan ko, iyong malabo ang coverage! Katulad nito. Population quiz bee. Noong Biyernes, ang ni-review ko, libro sa economics. Nakaabot na tuloy ako sa teorya nina Adam Smith at maging sa brand name, bandwagon at testimonial sa mga produkto. Tsaka ko lang napagtanto na parang wala na naman siyang konek sa population. Isa pa, naguguluhan ako kung saan mag-fo-focus. Sa population information ba sa ibang bansa o dito sa Pilipinas? Lahat ba ng population terms kailangan kong malaman? Pati ba populasyon ng bawat bansa, kailangan kong i-memorize? Anong year ba ang kailangan nila? Baka kasi tanungin ako kung ano ang populasyon ng Democratic Republic of Congo noong 1956 e mahina pa mandin akong magmemorya ng numerong pagkahaba-haba. At ano nga pala ang reference? Baka magsagot ako ng galing sa CIA World Factbook pero Wikipedia pala ang source. At gaano ko gustong ipalapat sa lupa ang mukha ng ex ko? ‘Yung lupa ba dapat clay, humus, loam soil, o semento na lang para sure na one-hit K.O.? At from a scale of bases in chemistry to ampalaya in the vegetable garden of Aling Nenang, gaano ako ka-bitter? (Joke ulit, continue.) [Insert Showtime waley na joke SFX here.]

Pangatlo, kapag nanalo ako, may expiration date ang “pagiging magaling dahil nanalo ako”. Bale, lilipas din ‘yan. At kapag natalo naman, tuloy pa rin ang buhay. Hindi susukatin ng quiz bee ang panghabambuhay mong kakayahan. Madadagdagan ang credentials, confidence at bragging rights, pero hindi ang panghabambuhay na galing. Bawat tao ay hinahamon ang kanyang sarili para mas lalong humusay, mag-improve. Kahit pa manalo ako sa PopEd Quiz Bee na ito, hindi ibig sabihin na pwede na akong tagatago ng data sa municipal hall paglaki ko. May potential, oo. Pero para gawin itong tanging sukatan ng kaya mong gawin at ipakita, hindi. Katulad minsan, ang malas ay malas.

Walang konkretong formula para magwagi sa quiz bee. Pero kailangan, pursigido ka, matiyaga, determinado, may angking talino, magaling tsumamba, at walang balat sa pwet. Iyon siguro. Kung sinunod mo ang mga requirements na sinabi ko at talo ka pa rin, ‘wag mo kong sisisihin. Hindi ako tindahan ng appliances at hindi ako mapagbibigay ng guarantee.

Ipagdasal niyo na manalo ako. Kung matalo naman, cool! Congratulations na lang sa kasing-angas na kalaban ko. Kung manalo, astig! Mahirap ding humarap sa mga kaklase ko kapag hindi ako nakasama sa top three (pero pangit din naman kung pangatlo ako at tatlo lang kaming maglalaban). Nasa home field pa mandin ako. At nga pala, may cash prize daw. First time! May pang-French fries ako pagkatapos kapag nagkataon. Good luck to me!

Advertisements

22 responses to “Suki ng Quiz Bee

  1. “kapag nanalo ako, may expiration date ang “pagiging magaling dahil nanalo ako”. Bale, lilipas din ‘yan. At kapag natalo naman, tuloy pa rin ang buhay.” TEMPOSITIVE! Hehe. Gusto ko ung may expiration ang pagkapanalo, kailangang magtuloy tuloy ang pagkatuto matalo man o manalo. 😀

    Like

    • Syempre naman. Kailangan pating patunayan na kahit nanalo ka na, higit ka pa sa kaya mong maging. Kaya lalaban ulit, hanggang manalo nang manalo nang manalo (pero ang mas importante ay hindi ang medalya, kundi ang mga natutunan). Pumapasok na du’n ang patuloy na development ng isang tao, mapa-ano pa mang aspekto. Hahaha. By the way, di ako pinalad manalo, pero okay lang naman. Team Positive pa rin!

      Like

    • Ang masaklap sa isang quiz bee contest ay maagang ma-eliminate (parang bitin). Tipong “Bakit pa magpapa-elimination? Tapusin ang buong quiz bee contest na lahat kasali! Malay mo sa next round ako makabawi!” LOL.
      Naranasan ko na ‘yan dati, at siyempre, nakakalungkot din. Pero di ko naman masyadong dinamdam.

      Like

  2. Nakasali ako ng PopEd Quiz noong elementarya pa ako. Grade 6. Halos isang taon naming pinaghandaan ng titser ko (Grade 5 adviser namin) ang quiz bee. (Pero ang totoo, 2 weeks before sa contest lang kami talaga nag one-on-one review) Marami-rami rin akong binasa noon (isang librong singkapal ng Giancoli na Physics book + folder ng sandamakmak na reviewers. Di rin biro yun) Pero dumbfounded pa rin ako sa actual day ng contest (sa katabing school). Nakakatawa talaga kasi feeling ko nun “Ano bang ginagawa ko dito?”. Tapos, na-realize ko na 35 kaming nandoon, kaya medyo kinabahan na ako konti. Mabuti na lang naka-second pa ako doon. First yung taga-host school (na classmate ko na ngayon)

    Medyo mataas talaga ang coverage ng PopEd. Mula history hanggang mga batas hinggil sa populasyon, mga uri ng STD, mga karapatang kababaihan at mga environmental issues. Meron rin itong mga math formulas para raw makita ang mortality rate, birth rate, atbp.

    God bless na lang sa iyo! At pagbutihan mo!

    Like

    • Salamat dito ha! Naging basehan ko ‘to ng review coverage kahit last minute ko nang nabasa (the night before the contest). Di ako nanalo pero A+ na rin para sa experience. Bawi na lang sa susunod at sana, swerte na ko. XD

      Like

  3. Ayos ‘yan. 😀 Natutuwa tsaka natatawa ako sa post mo. Napakamakabuluhan sa’ting mga estudyante. Swerte mo, nakaka-experience ka madalas ng ganyan. Ako minsan lang eh. XD Haha, Godbless! Hindi ko na pala pwedeng sabihin na “goodluck” kasi malamang tapos na yun ngayon. XD

    Like

  4. Wow, your inclination to join intellectual competitions is admirable. Ako sa Bible quiz ng simbahan lang nanalo.

    Sumali din naman ako minsan sa mga quiz bee sa school pero di ko ‘forte’ yun. Motto ko nga noon, “I don’t compete, I just excel.”

    Good luck sa incoming Pop Ed Quiz Bee nyo. Manalo, matalo, magaling ka pa rin at okay lang din magmayabang kung may K din naman. 🙂

    I so love the photo of your handwriting. Bibihira na akong makakita ng ganyan kagandang handwriting ngayon. (Kasi naman puro nakatype na nabababasa ko).

    Keep on writing! 🙂

    Like

    • Hinihintay ko lang may mag-comment sa handwriting ko. Hahahaha! (Sabi kasi ng mga dati kong kaklase pangit daw ang sulat ko, pero optimistic pa rin ako kahit ganoon, LOL.)

      Ayun, Bible Quiz Bee pa ang hindi ko po nasasalihan. Kaso parang imposible po yatang mag-excel ako doon. Di ako bihasa sa Bible e (pero nagbabasa din ako paminsan-minsan). Hirap din po akong intindihin. (Pero proud na proud ako na ako lang ang naka-perfect sa periodical exam namin sa Christian Living nito-nito lang, yahoo!)

      Like

  5. how’s your experience?..Ano po ung mga topics na lumitaw sa PopEd, nareview niyo po ba un? Magkakaroon po kc ng PopEd niyan sa amin and pinag-iisipan ko po kung sasali or hindi XD para po kcing maraming irereview. :))

    Like

    • Hi! Malawak ang sakop ng PopEd e. Pero natatandaan kong itinanong sa amin, siyempre may population terms. Superlatives of the population of the countries. Tapos mayroon din about Reproductive Health, Family Planning at Responsible Parenthood. Tinanong din kami tungkol sa batas at kung saang article ng Constitution nakasaad ang mga passages i.e. family as basic unit of society. Mayroon ding biology questions. Kunwari, mga biology terms tungkol sa panganganak ng babae. Actually, marami. If all you will have the common denominator na “zero knowledge unless mag-re-review”, then swertehan lang kung sinong maraming alam sa mga itatanong. Good luck!

      Like

  6. Suki din to ng Quiz Bee nung kabataan niya. Nung kolehiyo, minsan kumikita ng pera pag nakaka-tsamba sa mga inter-dormitory tagisan.

    Panalo siyang karanasan, ang manalo. Minsan magtataka ka nalang bakit ang daling sagutin ng mga tanong o bakit yung alam mo ang natsatsambang itanong.

    Masaya din yan kapag naganap ang patimpalak sa ibang bansa at makikilala mo yung mga ibang tagaroon dahil doon. Sana yun din maranasan mo.

    Sa ngayon, galingan diyan sa PopEd quiz, Dwight. Di ko rin gets ano sakop niyan, pero siguro di naman aabot sa kinatatakutan mo ang mga tanong.

    P.S. Maganda yung pagsulat mo (literal at hindi)!

    Like

    • Tama po. Ang masayang parte ng quiz bee, iyong alam mo ang sagot sa mga hindi makamundong tanong. Hahaha!

      Pangarap ko rin pong mailaban sa ibang bansa. Pero parang imposible pa po ‘yan ngayon. (Sumablay ako sa ASEAN Quiz Bee last year e. ‘Yun pa mandin ang tangi kong pag-asang maka-international sa buong buhay ko ng pagsali sa quiz bee.) Sa college po siguro (sana).

      Salamat sa papuri!

      Like

  7. Good morning, hindi nman po siguro kasi ako iba-iba sulat ko, Anyway sa experience ko sa Quiz Bee para sakin swertihan lang talaga pag matapat sayo ang mga tanong na nabasa mo na at alam mo yung sagot, “Swerte ka talaga” sa dami kasi kasi ng coverage ng isang quiz bee competition di lahat na memorize natin o nabasa na natin. Pero iba pa rin ang nag aaral at pursigido manalo sabi nga nila no pain no gain. At ang importante sa lahat ay ang experience at ang karagdagang kaalaman na nakuha mo. they ryt ang ganda ng handwriting mo. Good luck sa darating mo pang mga battle at good luck sa ating lahat.:)

    Like

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s