Panulat

Tinasahan mo sana nang mabuti

Ang inalay mong pag-ibig

Para hindi agad ito pumurol

At nakapagsulat pang muli

 

Iyong akin kasi’y bago pa

At bagong tasa

Kaya nang ako ang nagsulat

Bumakas ang bawat letra

 

Pero hindi naman napurol ang sa iyo

Sa halip ay nabali

‘Di mo marahil gamay ang pagsulat

Parang eksperimentong pag-ibig

 

Minsan nga’y hinangad ko na ang ating kwento’y

Lapis na lang ang naghabi

Nang sa gayon ay madali itong mawawaksi

Ng gomang de-tali

 

Ngunit katulad ng pagmamahal na ito

Ay ang pagkakamali

Ang pag-aakalang lapis ang ginamit

Na pangtatak ng pag-ibig

 

Bolpen pala ang pinangsulat natin

At matinta ang bawat paghalik sa papel

Kaya hindi na maibabalik sa dating malinis

Ang ngayo’y puno ng guri-guri

 

Mag-iingat na lang ako

Sa susunod na paghabi

Iyon lamang ay kung

Susulat pa akong muli 

Advertisements

4 responses to “Panulat

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s