Pros and Cons ng Pagiging Senior

Tutal, huling taon ka na naman sa high school, susulitin ko na ang pagiging fourth year student. Sa pagkadami-dami ng requirements, activities at demanding commitments, hindi na katakataka na compulsory na ngayon ang pagsusunog ng kilay. Marahil, para sa mga average at below average students ng paaralan, katanggap-tanggap na basta’t papasa, maka-dalawang giant palakol lang e magpapasalamat na sa favorite saint nila. Pero sa katulad kong competitive ang peg, with matching pride and grade-consciousness pa-effect, siyempre, ang hangad ko ay ang mag-excel, manguna, mag-top.

Anyway, nagiging malalim ang pagtingin ko sa sarili bilang isang senior. Huwag nang pansinin ang height ko o maging ang shoe size ko (na sabi ng mga kaklase kong ulol, related daw sa *toot-toot*), pero sigurado akong tinuturing na akong kuya sa eskwela. May mga advantages, na kung  expertise mo ang pagsusugal, pwedeng-pwedeng maging alas. Pero hindi rin mawawala ang disadvantages, na kung isa kang dakilang tanga, wala ka pang ideya kahit alam na ng lahat na nabiktima ka na.

So, ladies and gentlemen, Mister Chair, Madam Chair, and members of this House, presenting the pros and cons of being a fourth year student. Sa masusing pagninilay-nilay, pagmumuni-muni at paglalakbay sa mundo ng Encantadia ng manunulat na pilit na nagpapaka-deep. Enjoy!

CONS:

1. Napakaraming exams. Dati, NAT lang (o National Achievement Test), pero ngayon, kasama na ulit pati NCAE (National Career Achievement Examination) ayon sa aming academic coordinator. Kung ganoon, ang malas naman ng batch namin. Last year kasi, nilipat sa third year ang NCAE. Tapos ngayon, ibabalik daw sa fourth year. My goodness! Wala naman akong pakialam sa NCAE ko dahill alam ko na rin naman kung ano ang gusto kong maging pagdating ng panahon. Isa pa, hindi rin naman binalik sa amin ang results ng NCAE na kinuha namin last year. Tingin ko tuloy, school lang ang nakikinabang dito. Dahil kung mataas ang passing rate (‘yun nga ba talaga ang tawag doon?), e di sikat ang school. Pero dahil di naman binibigay sa estudyante, hindi ko maaninag kung nasaan ang tinatawag na welfare para sa mga mag-aaral.

Dagdag pa roon, hindi mabilang ang entrance exams na huhusga ng magiging kinabukasan mo. May UPCAT, ACET, USTET, DLSUCET, PUPCET at kung anu-ano pang pa-echos na acronym ng mga colleges at universities. At kahit sabihin pa natin na ang tinitingnan naman ng exams na ito ay kung gaano ka naging kahusay o ka-attentive sa klase sa nakalipas na tatlong taon ng iyong paglalakbay sa high school, hindi pa rin ganoon kadaling mapasa ang mga ito. Kailangang i-recall, i-remember, i-reminisce. Malamang sa malamang, limot na ng ordinaryong fourth year student ang process of photosynthesis, tenses of verbs, factoring polynomial expressions, surface area of cylinder, at mga uri ng teksto. Diyusmiyo garapon! Kung natatandaan man, hindi naman masterado. Kaya kung hindi babalikan ang old notes, baka pabalik din ang magiging takbo ng kinabukasan mo.

2. Ikaw ang pagbubuntunan ng sisi. Tingin ko, totoo naman ito. Kunwari, may school program o assembly tapos sobrang ingay. Tapos nakita lang na tahimik ng kaunti ang first year students. Tsaran! Overgeneralization alert! Sasabihin ng kung sino mang emcee/ host/ facilitator, “Bakit ang first year students ang tahi-tahimik? Ang mga fourth year students, ang ingay-ingay?” Hindi lang ‘yun. Maging performance ng isang fourth year section, ikukumpara sa performance ng first year students. “Bakit itong mga first year, nakakapagpasa ng projects? Ikaw na fourth year hindi.” Blah blah blah. Ganoon talaga. First year student pa lang ako, hindi na lingid sa kaalaman ko ang sistema. Ayos lang, kasi hindi naman siya totally panlalait. Nagiging expression na lang siya ng karamihan. Kasi, ang mga freshmen, tipikal ang pagiging cute at puno ng enthusiasm sa pag-aaral. Tingnan niyo, after a year or two, tangible na ang mga sungay niyan. Bwahahahaha!

3. Ikaw ang dakilang utusan. Malamang, ikaw ang nakatatanda, ikaw ang ipapatawag para pagbuhatin ng ganito-ganyan. Mag-decorate ng ganito ganyan. Maglinis ng ganito-ganyan. In short, all-around ka. Con siya kung tutuusin lalo pa’t ‘pag napasakto ang pang-uutos sa mga panahong siksik, liglig at umaapaw na ang schedule mo. Kung kasali ka naman sa clubs, siyempre, kayo ang palaging assigned sa bulletin board, sa mga activities, programs at kung anu-ano pang pakulo. Kung hindi mo passion ang inuutos at pinapagawa sa ‘yo, iisipin mong mapapaaga yata ang araw ng paghuhukom.

4. Over sa requirements. Tama! Kailangang magpasa ng research papers, portfolios, book reports, investigatory projects, etcetera etcetera. Dagdag pa doon ang CAT (na hindi ko alam ang meaning). Nag-le-level-up din ang bilang ng assignments, at pahihirapan ka lalo ng guro sa mga projects. Kung hindi mo kayang gayahin si Lastikman sa flexibility, huwag asahan na magiging flexible din ang grades. Lalo na ang 70.

5. Less leisure time. Kailangang bawasan ang oras sa pag-fe-Facebook. Sabi nga ng TLE teacher ko (pramis, hindi ko siya favorite!), time is… running! Dahil malayo ang bahay ko sa school ko (isang bayan ang pagitan at 45 minutes ang travel time sa tricycle), 6:30 PM na ako nakakauwi (dahil may 5-6PM class pa ang SSC students). At sa dami-dami ng pahirap sa bawat araw na pinahirap (ng mga teachers na trip talagang maging facilitators ng Hunger Games), hindi pwedeng magsayang ng oras. Gumawa kung gagawa! (Pero exception ko ang blog na ito na goal ko ang walang ligtang post hanggang sa pagtatapos ng school year)

PROS:

1. Ikaw ang tinitingala ng first year students. Ewan ko sa iba, pero totoo ito para sa akin. Dahil popular naman ako sa school (at talagang conceited ako), kilalang-kilala ako ng mga freshmen. Bawat makakakita sa aking paslit, sasabihan ako ng “Hello Kuya Dwight!” Feel ko tuloy kuyang-kuya na ako. Kaya ito namang si ‘ako’, e ‘di cina-career ang pagiging kuya. Ang cool kaya! Nagiging sideline ko tuloy ang pang-u-uto.

2. Facilitator ka. Nasabi ko rin ‘to sa con, pero kapag passion mo ang ginagawa mo, isa itong malaking check sa positive side. Kunwari, sa debate society o broadcast association, ako ang nag-i-implement ng mechanics. At ako rin ang gumagawa ng twists. Ako rin ang consultant ng mga hindi makaintindi ng instructions.  At kapag successful, sa ‘kin ang credit. Amazing!

3. Mas marami kang admirers. Hahahaha! ‘Pag may kaklaseng naligaw sa blog na ito, malamang kakausapin niya ako immediately at manghihingi ng patunay. At kung kamalas-malasan na co-debaters ko ang maligaw dito, i-o-oppose nila ako at sasabihing wala naman sa status quo ‘yan. Anyway, self-explanatory na yata ito. Hindi naman ako kagwapuhan (sige na nga, pangit na kung pangit!). Pero alam kong mayroon ding mga babaeng bigla na lang lalapit, gagawa ng conversation, at scripted na scripted ang mga linya na akala mo e pinagpraktisan ang sasabihin nang mahabang oras. (Natatawa ako, may naalala kasi ako. HAHAHAHA!) Nakaka-flatter lang siya (isipin niyo ‘yun, may nagkakagusto rin pala sa akin). Pero dahil ‘di ko feel, hanggang doon lang . Basta! Nevermind! (Ayokong maging defensive!)

4. Ikaw ang priority sa academics. Marahil hindi priority ang seniors kapag recess, o kaya kapag may program sa gym na ang bibigyang-pansin ay ang mga bulilit na first year. Gayunpaman, okay lang dahil sa pagkakataon ng fourth year student, kanyang-kanya na ang limelight. Ikaw ang ipapanlaban sa kung ano mang contest sa labas dahil ikaw ang nakatatanda. Ikaw ang may experience. Hindi katulad na kapag bagong salta ka sa high school, iisipin nang marami na limited pa lang ang nalalaman mo. (Kaya ako lumipat ng ibang school noong second year e!)

5. You got rights. May pribelehiyo kang makapang-brag at paniniwalaan ka. May pribelehiyo kang mag-demand dahil may kakayahan ka. May pribelehiyo kang ma-in love dahil dalawang taon na lang e legal ka nang mamamayan ng Pilipinas. Ibig-sabihin, may pumuna man sa iyo, mas matibay na ang depensa mo. Dahil mas marami ka nang karapatan, at alam mo kung ano ‘yun.

Well, hindi ako nagrereklamo. Wala pa nga itong binatbat kumpara sa mga pinagdadaanan ng college students (talk about hell week sa UP). Ayos din na nadadagdagan ‘yung pahirap ngayon para hindi na sagad ang culture shock pagdating ng kolehiyo. Kakayanin ko namang harapin ang mga cons, at marunong naman akong mag-utilize ng mga pros. Sa ngayon, may mga 150+ school days to go na lang bago ako magtapos. At sa huling hirit ng aking high school life na pilit kong ginagawang kapaki-pakinabang at memorable (damn you lovelife!), siguradong marami pang kaabang-abang na pangyayari ang masasaksihan, mararanasan at maisasabuhay ko. Amen!

P.S: Joke lang ‘yung nakalagay sa third paragraph na pinagnilay-nilayan ko ‘to. ‘Di ko nga nai-check at tinatamad akong basahin ulit. Rush article lang ito para may mai-post ako ngayong araw.

Advertisements

17 responses to “Pros and Cons ng Pagiging Senior

  1. Very well said. Idagdag ko lang:
    CONS No. 1. Napakaraming exams. UPCAT, ACET, USTET, DLSUCET, PUPCET. >>> redeeming factor at PRO na rin, kapag natanggap mo ng sabay-sabay ang mga CONGRATULATORY letters galing sa iba’t ibang unibersidad. Ang sarap talaga nf pakiramdam. Ang magiging dilemma mo na lang ay kung anong unibersidad ang pipiliin. Dalawa lang naman ang choices mo eh. It’s either UP or OU. University of the Philippines or Other Universities.

    Like

    • Share ko lang po, kukuha din ako ng exam sa Ateneo at meron na rin akong form ng ACET. Di ko naman talaga feel mag-exam doon dahil alam kong di rin naman ako papasukin doon. Duh! Can’t afford ang tuition fee. Hahaha. Tapos ang dami-dami pang pinapa-fill out sa application. Pati picture ng kitchen kailangang ilagay, LOL. Di katulad ng UPCAT form. Tipong noong fini-fill out ko siya, takot na takot akong madungisan ang kinabukasan ko. Hahaha.

      Basta makita ko lang po ang pangalan ko sa UP website sa February, masaya na ako. Pipilitin ko pong doon makapasok. 🙂

      Like

    • Hindi ko na po namamalayan baka nag-va-valedictory address na ko (in my dreams). LOL. O kaya nag-e-enroll na ako para sa college. How time flies. XD

      Late ko na pong nabasa, pero thanks po. Natapos ko naman ang UPCAT nang matiwasay. 🙂

      Like

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s