Para sa Matagumpay na UPCAT (Ang Master Plan)

Mahiwagang maituturing ang pagsagot ng isang estudyante ng UPCAT. Hindi lamang kasi ito basta-basta shaded circles, right minus 1/4 wrong, cramming sa time pressure, limang oras ng matinding konsentrasyon, o di kaya ay pagtawag sa lahat ng kilalang santo na kung manghula man ng sagot, iyon sana ang tamang sagot. Maliban pa sa mga mechanics ng exam na huhusga sa kapalaran mo sa kolehiyo, mas malalim kung ating aalamin ang kuwento ng bawat naghahangad na makapasok sa prestihiyosong unibersidad ng bansa. Bawat isa ay mayroong istorya ng pagsisikap para matupad ang pangarap na matawag na ganap na iskolar ng bayan.

Incoming fourth year student na ako. Graduating na, mag--UPCAT na. Honor student naman ng klase, kaso, wala pa ring bilib sa sarili. Siguro ay dala na rin ng takot, hindi ko gustong iasa sa sariling sikap ang pagpasa sa Unibersidad ng Pilipinas. Mahirap na. O sige, sabihin man nating pumasa ako nang sariling review lang, e ‘di ang yabang ko. E paano kung wala ang pangalan ko sa listahan ng passers pagdating ng tinakdang oras? E ‘di sira ang pangarap ko. Make or breakkasi ang UPCAT; hindi pwede ang babawi na lang ako next time. Kung gusto ko talagang makapasok doon, kailangan ko ring dumaan sa butas ng karayom.

Ang master plan ko para pumasa ng UPCAT? Siyempre, nasa ibayong pag-aaral. Noong incoming third year student pa lang ako, ginalugad ko na ang internet. Nagtingin-tingin ako sa mga forum sites; nagpadala sa mga mabubulaklak na salita ng mga websites. Ang sagot ng karamihan, mahabang proseso ang pagpasa ng exam. Una na rito ay ang grado mula unang taon hanggang ikatlong taon ng sekondarya. Kaya nang naging junior student na ako ng aming paaralan, kailangang magpakitang-gilas. Kung magpapabaya sa pag-aaral, para ko na ring pinabayaan ang apatnapung porsyentong posibilidad na makapasok ng U.P. Buti na lang, Hunger Games ang kinalabasan ng ikatlong taon ko sa hayskul. Kasi, the odds were in my favor.

Pero ang lubos na kailangang paghandaan ay ang natitirang animnapung porsyento. Ito na mismo ang pagsusulit. ‘Pag pumalya ako dito, ang paghihirap kong makakuha ng mataas na grado sa eskwelahan ay tila magiging lapis na walang tasa — pointless. Pointless dahil hihilahin pababa ng higanteng 60 percent ang natitirang 40 percent. Kaya nang ikwinento ko sa mga dakila kong guro ang aking pangamba, simple lamang ang payo nila.

“Mag-review center ka Utoy.”

Oo, ang pagpasok daw sa review center ang pinakaepektibong paraan para pumasa ng UPCAT. Naengganyo ako nang lubusan sapagkat maraming nagpapatunay na iba talaga ang pakiramdam kapag kumuha ka ng exam at alam mong punong-puno ka ng armas.

Ang problema, mahirap lang kami. Wala kaming pera. Pero dahil hindi katanggap-tanggap sa magulang ko ang katotohanang ‘mahirap lang kami’, sige na nga, marami na lamang pinagkakagastusan. Kaya nang ikinonsulta ko sa aking ina (na nasa abroad at ang tanging nagtataguyod sa aming magkapatid) ang tungkol sa pagpasok sa isang review center, mabilis siyang tumanggi. Sayang daw ang pera.

Pero ano nga ba ang dahilan ko para sumuko na agad? Ika nga ng palasak na kasabihan mula sa mga ninuno nating may pagkadalubhasa sa mga misteryo ng kapaligiran, “Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan.”

Hindi ko gusto. Gustong-gusto ko. Kailangan ko kasi ng kasiguraduhang makapasa higit sa ano pa mang bagay. Kung kaya’t tinawagan ko ang mga kamag-anak na nakaluluwag na sa buhay. Sa father side ko. Linunok ko ang hiya dahil sa matinding kagustuhan. At sa awa ng mahabaging Diyos, nagbigay naman sila.

May pera na. Wala na akong problema. Pwede na rin akong makapag-enroll sa review center na nais ko. Pwede nang huminga nang malalim.

Pero kung nasagot ko na ang katanungan kung ano nga ba ang master plan ko para makapasa ng UPCAT, kaunti pa lamang. Iyong mga sinabi ko sa mga naunang talata ay parang bahagi lamang ng nobela. Prologue kung tawagin. Dapat ko ring ihayag kung paano ko i-bu-bull’s eyeang exam sa pamamagitan ng pagbibigay-atensyon sa mga paksa.

Kailangan kong matuto ng marami pang vocabulary words sa Ingles. Tipong, I’m using gargantuan idioms to fabricate intelligence already. Nakakatawa, lalo pa’t ang ibig sabihin daw noon sa simpleng pananalita ay ‘I’m using nice words to sound smart’. Ibig sabihin, kailangan ko pang matutunan ang mga salitang magbibigay sa akin ng kaalaman sa wikang banyaga. Hindi yata kaayaaya ang magsagot ng UPCAT na nilalambang lamang ang kahulugan ng mga salita. Kabawasan iyong maituturing.

Importante ring may sapat na kaalaman sa gramatika. Hindi pwede ang pasemplang-semplang. Kaya nga  nagpakamakata na lamang ako at hindi na nag-Ingles sa artikulong ito, at baka taasan niyo lamang ng kilay ang inyong lingkod. Nawa ay maliwanagan pa ako sa tamang gamit ng mga salta kapag pumasok na ako sa review center. Sa aking mga magiging guro, patnubayan ninyo ako.

Sa kabilang banda, madali naman ang matematika. Kaso lamang ay may pagkakataon sa buhay ko sa sekondarya na tila baga hindi ko nakayang sumabay sa hangin, kaya bumagsak ako. O kaya naman, nakalimutan ko na ang mga itinuro. Ang plano ko ay balikan ang mga pagkakataong iyon, sa paraang malinaw ang isipan at tatatak ang mga pinag-aralan.

At ang pinakamahirap sa lahat, ang agham. Ewan ko kung paano ako i-ma-magic ng mga review center teachers ko. Sana na lamang ay mabigyan nila ako ng mabisang teknik para madaling maintindihan ang mga buhol-buhol na teorya at kaisipang binabagtas ng syensiya.

Doon na siguro nagtatapos ang master plan. Kung meron pang iba, nakalimutan ko lang, promise.Baka sabihin ninyong inaasa ko sa mga magiging guro ko ang kapalaran ko. Hindi. Malaki lamang ang tiwala kong madali nila akong masusuportahan. Suporta lamang. Ibig-sabihin, ako pa rin ang tunay na gagawa ng paraan.

Nakapag-enroll na *yata* ako. Ginawa ko lamang ang sanaysay na ito sa dalawang rason. Una, lahat ng estudyanteng nais pumasa ng UPCAT ay may kanya-kanyang istoryang interesanteng pakinggan. Pakiramdam ko’y kabilang ang karanasan ko sa mga istoryang iyon. At pangalawa, malay ninyo, manalo ako at ma-refund ang bayad ko. Marami ngang pinagkakagastusan e!

Ibig kong pumasa sa U.P. Ibig kong pumasok sa U.P. Ibig kong makapagtapos sa U.P. At higit sa lahat, ibig kong maging produktibong mamamayan ng bansa dala ang pangalang U.P. E bakit nga ba U.P? Ibang sanaysay na iyon at mas mahaba-haba pang usapan kung tatalakayin sa malalim na perspektibo. Ang mahalaga, matindi ang pagsisikap ko para mapabilang sa paaralang iyon. Pagsisikap — iyan po ang aking master plan. 

***

Ang artikulong ito ay itinanghal na Best Essay ng Brain-Train Academic and Review Center. Orihinal na inilathala ang sanaysay sa pahinang ito: http://brain-train.com.ph/blog/28-para-sa-matagumpay-na-upcat-ang-master-plan.

Advertisements

6 responses to “Para sa Matagumpay na UPCAT (Ang Master Plan)

  1. Ala akong master plan noon. Last minute na akong pinadala sa review center kasi hindi na asikaso ng parents ko. Good luck! Wag mag panic.

    Memorable pa din sa akin ang kwartong pinagdausan ko ng UPCAT, ang CAS A2 MPLH1 (College of Atrs and Sciences Annex 2, Multi Purpose Lecture Hall One)…hanggang ngayon pinupuntahan ko pa din ito, hindi bilang examinee kundi bilang studyante ng DEV10(eto yung klase ko dito) Hhehehehe. If ever hindi ka nakapasa sa piniling campus, wag mag laslas o magbigti; pwede naman mag pa waitlist at magtaksil 😀

    Like

    • Ako sa local testing center lang mag-te-take ng UPCAT. Wala pang dumadating na test permit (hanep!). Anyway, alam ko namang hindi pumalya ang pag-su-submit ko ng requirements (kaya hindi dapat ako kabahan).

      Kahit LB, okay lang sa ‘kin. Pero ‘wag naman sanang waitlist, reconsider, o kaya transfer to UP after one year. Mas maganda pa rin kapag nakalagay ang pangalan sa UPCAT website. Hahaha!

      Anyway, salamat ulit. Napaka-supportive mo kasi e. XD

      Like

    • Oo nga po e. Ayon po sa mga nababasa ko sa forum sites, iba pa rin ang U.P. Marami raw mga experiences doon na magmo-mold sa’yo bilang productive individual of the country. Gustong-gusto kong maranasan ‘yon (kahit alam kong napakahirap).

      Anyway, salamat po!

      Like

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s