Lumang Kwento

Palasak, gasgas, gamit na.

Iinog na naman ang mundo sa walang kwentang istorya.

Matatawa, mangangamba, maluluha.

Pipiliting maging iba sa iba.

Lulunok, hihinga, at tsaka magbibitaw.

Lolokohin ang sarili sa sariling salita.

Nagmumuni-muni, nagninilay-nilay.

Hahakbangin ang landas tungo sa kamalayan.

Kapayapaan, karimlan, o kung saan man.

Dahil ang kamalayan daw ay nasa pinaniniwalaan.

Masama, mabuti, o kaya’y nasa pagitan.

Matamo lamang ang karamdamang magpapagaan ng kalooban.

Hindi na bago. Hindi na kaaya-ayang pakinggan.

Wala nang makikinig sa bigkas na tradisyonal.

Pero bibigkas, magkukwento, at patuloy na ipagmamayabang.

Dahil istorya ma’y hindi naiiba, mayroon pa ring katwiran.

Lumang kwento na ang pagbagsak.

Lumang kwento na ang pagkabigo.

Lumang kwento na ang lahat ng kahirapan sa mundo.

Babangon ka.

O kaya ay magpapakasadlak.

Pero wala pa ring pinagkaiba, luma pa rin sila.

Pero mag-isip-isip ka.

Ano ngayon kung luma?

Di kailangang palaging bago ang kwento.

Kung gusto mo talagang magbago.

Advertisements

6 responses to “Lumang Kwento

  1. hala, kapatid, luma na raw talaga lahat ng kwento. katunayan, ang bulto ng karanasan ng tao raw ay naisalaysay na nina Shakespeare, Marlowe, Dante, Milton at iba pang magagaling na manghahabi. ngunit kung iyon ang pagbabasehan, disin sana ay wala nang bagong mga salaysay, nobela at kwentong malilimbag o maipapalabas, lahat ay nasabi na, kumbaga.

    pero sa araw-araw ay mayroon, di ba?patuloy ang paghahabi, ang pagsasadula at pagsasalin-salin ng mga kwento at salitang tinatangkilik pa rin naman ng marami. bakit? sapagkat hindi naman kailangang kakaiba ang karanasan o ang kwento o ang plot, ang mahalaga ay kung paano ito muling nilikha, paano isinalaysay sa ibang anggulo o pananaw at paano ito nilapatan ng bagong elemento o approach. may naidagdag ba, naiba ba ang pagkasalansan o ang diin?

    ito ay aking pala-palagay. sana ay may naitulong sa kaguluhan, hihi. regards 😉

    Like

    • Para nga po sigurong romantic comedy films. Alam na natin na happy ending sa huli. Pero hindi ang katapusan ang mahalaga, kundi ang naging paglalakbay para marating ang kaligayahang iyon.

      O kaya naman mga balita sa TV na inuulit na lamang nang inuulit ng kasaysayan. It’s not about the “whats”, but the “hows”.

      Salamat po sa mga ideya. 🙂

      Like

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s