Dahil Hindi na Ako ang Class President (Hooray for Today!)

Oo. Nasabi na ng title ang kailangan kong iparating. Last year, pangulo ako ng klase. Nakaramdam ako ng matinding responsibilidad sa likuran ko, at dahil may scoliosis ako, malamang hindi ko nakaya. Bumagsak ako kasabay ng buong klase. Kaya ngayong taon, kung kailan hindi na ako magiging target for backstabbing ng mga kaklase kong sideline ang pagiging murderer, hindi na ako ang sasalo ng kapalpakan ng kung sinumang iresponsable ding officers, at hindi na ako tuta ng mga guro, karapatan kong magbunyi. Magbunyi! Sa wakas, hindi na ako guilty.

Kumbaga sa titulo ng pahinang ito, hindi na ako ang nasasakdal. Noong nakaraang taon kasi, nakakaramdam ako ng guilt kapag alam kong hindi ko nagagampanan ang tungkulin ko sa mga kamag-aral ko. O di kaya, kahit gawin ko man ang responsibilidad ko, hindi pa rin na-sa-satisfy ang mga loko. Kaya ayun, sila na talaga ang magaling. At ako na ang bitter.

Pwede na akong mag-ta-tumbling. Pagkatapos na pagkatapos ng classroom election, inutusan ako ng teacher ko na pumunta sa isang guro. E di sunod agad ako. Tapos pagkabalik ko, pinapunta ulit ako, tapos balik ulit. At ang sipag ko, grabe. Ngayong wala akong posisyon, wala ng nakaatang na responsibilidad sa akin, at wala ng mga matsing na na-adik sa kantang Eye of the Tiger kung makatingin, go lang nang go ang inyong lingkod. Kung hindi ko magagawa ang task ng palautos na guro, e ‘di fine. E sa hindi ko kaya e? Kung magagawa ko naman, magiging proud pa ko sa sarili ko. At matutuwa sila sa akin. Pakiramdam ko tuloy, mayroon silang utang na loob sa mga simpleng bagay na nagagawa ako. Kapag hindi ka officer, may weight ang bawat accomplished task. Kapag officer ka, e paki nila? E sa responsibilidad mo ‘yan e!

Hahahaha! Nakakatuwa talaga! Isip-isip ko, last school year ang pinaka-impyernong taon ko sa high school. Tipong bawat gawa, kulang pa. Bawat tigil, katamaran. Ang O.A. ng mga putsa! At least ngayon, makakapag-focus ako sa mahal kong school paper organization. Doon, pinaniniwalaan nila ako. Doon, hindi ako minamata. Doon, ako ang boss nila. Yahoo!

Pero aaminin ko, kinabahan din ako noong classroom election. Di ako kumuha ng candidacy form pero ‘yung dalawa kong kalaban sa top, kumuha. Obviously, mga grade-conscious din (gaya ng demonyong bahagi ng napapagal kong kaluluwa). ‘Yung isa, naging vice-president, at ‘yung isa, education chairperson. Oo, alam ko na, talo na ako sa column ng leadership sa extracurricular. Pero ayos lang. Expected ko na ‘yun. Mayroon pa namang apat na columns at sorry to say, balwarte ko ‘yung dalawang columns. At pwede-pwede rin sa natitira pang dalawa. Whatever. Tumataas ang level ng grade-consciousness ko. Hahahaha!

Wala na kong sasabihin. Sa mga bagong officers ng classroom, good luck sa inyo! Dahil kayo naman ‘yung mga magagaling last year, sigurado akong kayang-kaya niyong harapin ang mga pangmamata ng mga kaklase nating sawi (at nagmamarunong). Enjoy! (Nasaan!? Nasaan ang sarcasm?)

End post.

Advertisements

9 responses to “Dahil Hindi na Ako ang Class President (Hooray for Today!)

    • Hahahaha! Oo nga. Di na ako magpapakabanal, minsan, naiisip kong gumanti sa mga panghuhusga nila last year. XD Pero hindi naman lantaran ang ginagawa ko at nakokonsensya ako minsan. Kaya ang ginagawa ko na lang, kapag may meeting between officers and non-officers, puro sarcasm ang sagot ko. E sa hindi sila nag-co-cooperate last year e! Ngayon, maranasan nila kung gaano kasakit na walang nakikinig sa ‘yo. Bwahahaha! (Pero minsan ko lang talaga ginagawa ‘to. Alam kong pangit ‘yung reasoning at kasalanan pa rin kaya once in a while lang ako kung mag-oppose nang mag-oppose. LOL)

      Like

      • feel ko na hindi. kasi, alam mo yun? yung naaasar ka sa kaswapangan ng mga klasmeyt mo? tapos ikaw, ikaw na nageeffort na mapabuti ang nasasakupan mo, nakakapagod. kasi kabig lang sila ng kabig… nakakapagod… 🙂

        malapit na.. magbunyi!!!

        Like

  1. Noong high school ko rin napagtanto na hindi talaga ako pampulitika. Parang nakalikahan ko kasi na kapag nasa top ten ka ng klase, automatikong dapat class officer ka rin.

    Tumutok na lang din ako sa diyaryo. Kaya lang, hindi pa rin yun ligtas sa pulitika. Pero kahit papaano mas gamay ko ang gagawin at pamamalakad.

    Like

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s