Kinabukasang Papunit

Noong isang linggo, sinimulan ko nang lagyan ng impormasyon ang aking UPCAT application form. Kailangan na kasi para sa nalalapit na deadline. Hindi naman ganoon kahirap, tricky lang nang kaunti. Kung may dapat lamang paglaanan ng buntong-hininga, ito ay ang isusulat na kurso. Tipong ang anumang kursong isusulat ko ay magiging candidate hindi lamang for engagement, kundi candidate for marriage. Kung sa kursong iyon papasa, hindi pwedeng basta-basta iluwa, isuka o parausin gamit ang walang humpay na pagtaas-baba ng puso’t kaluluwa. Dahil katulad ng paghihiwalay ng mag-asawa, ang pag-ayaw sa piniling landas ay may kaakibat na pera.

Hindi iyon ang kwento, at mas lalong hindi iyon ang punto. Sabit lang ang unang talata para i-introduce ang istorya ko. Ang laman ng aking isipan ngayon ay ang kaklase kong hindi ko alam kung may balak bang harapin ang sunod na kabanata ng kanyang buhay. Itago ko na lang sa pangalang “Classmate 5”. Bale, higit pa sa kaklase, close friend ko rin itong taong ito at ka-team sa debate society ng paaralan namin. Siya ‘yung happy-go-lucky na tao, pero matalino pa rin at may ibubuga (siya ‘yung bumara sa akin sa English subject noong lumipat ako sa kasalukuyan kong paaralan).

Tinanong ko kung may balak siyang kumuha ng UPCAT. Wala, sabi niya. Tinanong ko kung bakit. Sagot niya, tinatamad daw siyang mag-fill up. Walang anu-ano, kinuha ko ang extra copy ko ng UPCAT form, at binigay sa kanya. Ako na rin ang nagturo ng ilalagay na campus. Sinabi ko na UPLB at UP Mindanao ang ilagay para siguradong pumasa at may tsansa pang makapag-reconsider sa LB. Kung anu-ano rin lang ang itinuro kung course. Sabi ko, Agribusiness Economics ang kunin. Ang hirit ko, agriculturist ka na, businessman ka pa! At wait, economist pa! Anyway, mukha namang naniwala siya at sinunod din ang payo ko. Wala naman siyang pakialam kung ano talaga ang ilalagay. Hindi niya alam kung anong gusto niyang maging.

Noong Lunes, napagkwentuhan ulit namin ang aming mga UPCAT forms. Pinabalik kasi halos lahat dahil may mga mali o kulang na data sa mga isinulat. Doon ko siya kinumbinse sa pangalawang pagkakataon, ngunit sa aking palagay, ang mga halimbawa ko sa mga oras na iyon ay mas malaman, mas makatarungan, mas dapat pagnilay-nilayan.

Sabi ko (non-verbatim), “Alam mo Classmate 5, kung hindi ka kukuha ng UPCAT, saan ka mag-co-college? Hindi ka naman pwede sa UST, Ateneo o La Salle dahil mahirap kang tao. Hindi ka rin naman kukuha sa P.U.P dahil tamad ka at hindi mo gugustuhing lumuwas pa ng Maynila para lang kumuha ng lecheng entrance exam.

“So saan ang bagsak mo? Dito sa probinsya? Malamang sa malamang, diyan ka lang pumasok sa mga pipitsuging colleges na maputi na ang buhok mo, hindi ka pa rin nakakahanap ng matinong trabaho.

“Isipin mo, paano kung mag-reunion tayo ten years after? Ako, may career na sa media. Si Classmate 4, lawyer na. Ikaw, ano ka? Tricycle driver? Hindi ko minamata ang trabahong marangal pero alam mo sa sarili mong may utak ka at higit ka pa sa kaya mong maging paglaki. “

“Kapag nag-reunion tayo, masisikmura mo bang makipag-usap sa amin na sobrang yayabang na? Kahit pa magkaibigan tayo at kahit sabihin pa man nating wala namang epekto ang pera sa samahan natin, alam mo sa sarili mong mahihiya kang makihalubilo sa amin dahil sa kalagayan namin sa buhay.

“Pagdating ng panahon na iyon, kung kailan nabibili na namin ang gusto naming bilhin, iisipin mo, mas matalino naman ako kay Classmate 4. Bakit siya naging successful, at ako hindi?

“O, etong si Classmate 6 (itinuro si Classmate 6 na nasa kabilang row), grabe ang yabang niyan. Pero alam mong mas matalino ka kaysa kanya. Ikaw nasa top at siya pahangin lang. Pero ‘yan, may pangarap ‘yan sa buhay. Ikaw wala. Paano ‘pag nagkita kayo after ten years? Handa ka bang magkakilanlan ulit kayo at sasabihin niyang Ako si Engineer Classmate 6? Tapos ikaw ano, si Tricycle Driver Classmate 5?

“Walang mali sa pagiging tricycle driver, dahil maging tricycle drivers, kayang magtaguyod ng pamilya kahit isang kahid, isang tuka. Pero paano kung biglang magkasakit ang pamilya mo? Saan ka kukuha ng pera? Handa ka bang lumunok ng pride at mangutang? Paano kunwari kung may girlfriend ka? Pero bigla-bigla, hindi ka na niya gusto. Dahil sa isip-isip niya, wala ka namang mithiin sa buhay. Kahit pa mahal ka niya, kung alam naman niyang hindi magkakaroon ng magandang kinabukasan ang magiging anak ninyo, magpapabuntis pa ba siya sa’yo? Praktikal na ang mga tao ngayon Classmate 5. Sa madaling sabi, iiwanan ka lang niya.

“Kaya nandiyan na ‘yung pagkakataon. Fi-fill-up-an mo na lang ang UPCAT form at ang teachers na ang bahala sa iba pang requirements. Pagkakataon mo na ‘to, at kapag pinalagpas mo, wala na. Pagsisisihan mo itong mismong araw na sinabi ko ang lahat ng ito sa ‘yo. Kaya kung ako sa ‘yo, seryosohin mo itong bagay na ‘to,” paghuhuramentado ko.

Mahaba-haba ang mga sinabi ko. Napilit ko naman yata siyang magseryoso. Siya na mismo ang nag-request na magpa-print pa ng isang copy ng UPCAT application form, colored daw. Tapos, kinonsulta niya ako sa mga kursong kukunin. Mas seryoso, mas may direksyon.

Pero noong Huwebes, kung kailan deadline na para ipasa ang aming UPCAT form sa aming guidance counselor na siyang nag-aasikaso ng iba pang requirements, nakita ko ang form niya, sobrang gusot.

“Bakit gusot ‘yang form mo?” tanong ko.

Patawa-tawa lang siyang sumagot. “Hayaan mo na.”

Huminga muna ako ng malalim at lumunok bago nagsalita. “Alam mo Classmate 5, ang kinabukasan mo, parang UPCAT form. Gusot.” At sa isip-isip ko, kaunti na lang, mapupunit nang tuluyan.

At noong Biyernes, nakapag-usap ulit kami. Sabi niya, hindi na raw siya magpapasa ng form. Pinapabalik kasi ang UPCAT form kapag may mga kulang o maling detalye. Binalik na naman ang kanya, at tinatamad na raw siyang mag-fill up dahil masyadong demanding. Hindi na raw siya kukuha.

Ngumiti na lamang ako nang pilit at hindi na ako nagtanong ng bakit. I’ve done my part. Hindi ko obligasyon ang mag-scotch tape ng kinabukasang papunit.

Advertisements

10 responses to “Kinabukasang Papunit

  1. Punyemas na UPCAT forms. Wala akong folder dati na kasing haba nung mismong form kaya mukang pinunit yung ilalim. 🙂

    Ahahaha, hindi ako ang nag fill up ng forms kundi nanay ko. 🙂
    Pati yung registration form, nanay ko din nagsulat..pati mga classcard ko. Ampangit daw kasi ng sulat ko.
    Anyways…madugong labanan ang nangyari sa pag pili ng kurso. Gusto ko mag DevCom, gusto ni Ma na mag Nutrition ako, gusto naman ng tatay ko na mag Applied Physics ako..tapos mga kamag anak ko, gusto nila ako mag Chem Eng’g.

    I won :p

    Nung nakapasa ako..Pending case sabi sa website..Nung tumawag kami sa Diliman sabi nila wala daw akong form 137. PUNYEMAS, ANAK NG TOKWANG BAOG!!!! PAANO NAMAN AKO MAWAWALAN NG FORM 137?! YUNG YUNG BACK PART NUNG ISANG FORM NA MAROON AH?!

    Nag punta pang Diliman and everything mga parents ko. Pag ka punta nila dun, according sa registrar eh nakita na nila form ko. Punyemas, di na daw kailangan.

    Looking back, pwede ko namang ma resolba yung awayan namin sa course kung nag Bio na lang ako. I liked Bio.

    :p

    Like

    • Buti ka pa di mo masyadong prinoblema ang pag-fill-up ng forms. Nakaka-pressure kasi e. Pero deadline na last week at napasa ko naman ‘yung mga requirements ko. Sana lang walang deficiency.

      Anyway, kung pumasa man ako, di ko feel kapag ‘pending’. Ang pagkakaalam ko, pasado pa rin nga ‘yun kaso may mga kulang sa ipinasa. Ang pangit ng term na ‘pending’. Parang ‘waiting list’ ang dating. Sana baguhin ng UP ang term. LOL. Wala lang. Two cents.

      By the way, sa di malamang kadahilanan, di na DevComm ang sinulat kong second choice sa LB. Philosophy na. Hahahaha!

      Like

  2. Pingback: Problemang Isinubo (na Hindi Pwedeng Iluwa) « Ang Nasasakdal·

  3. ay naku ‘di ako pumasa ng UPCAT!!! sobrang frustrated ako nun kasi sa mismong Campus na kami lumaki…ang naging problema ko sa exam eh yung subject na puro numero nakakainis! Mali din kasi ako, sa sobrang taas ng pangarap ko UPD at UP Manila choices ko…hahaha…pero nung nakaenroll ako sa PUP laking pasasalamat ko padin kasi ang baba ng tuition ko, 12 pesos per unit san ka pa! sa buong 4 years ko sa college wala pang 10k ang nagastos ko sa matrikula hehehe…ngayon hehehe ayos na sa akin ang mag-ikot-ikot sa Campus ng UPd sariwa kasi hangin wala nang masyadong inggit at frustration…hehehe…galingan mo! Aja! 😉

    Like

    • Ang alam ko po, halos parehas lang ng cut-off ang Diliman at Manila, kaya kapag hindi ka pasa sa isa, malabo rin ang pag-asang papasa ka sa pangalawa.

      Kukuha din po ako ng entrance exam ng PUP. Parang back-up plan ko kapag hindi ako pinalad sa UP. Maliban sa mura ang tuition, para din daw siyang UP. Kaso, wala pa akong naririnig na alumni ng PUP na naging prominente sa broadcast journalism. Kaya hindi ko po siya pina-prioritize.

      Anyway, thank you po! Isang buwan na lang, UPCAT na. XD

      Like

  4. Pingback: Sabi ng Prelims « Ang Nasasakdal·

  5. Wahahahahaw. Malalim na bata! Hay, ampunin na kita! Kidding aside, naku, may kwento ako sayo nung nasa UP Manila pako. Yung room mate ko na pharmacy kinwento nya sakin. Bale, super mega GC kasi ang pharmacy. Kilala sila sa isa sa may pinaka mataas na mortality rate. hehe. Yung pinsan ko dati, 120 silang freshman, 12 lang gumradweyt! At take note, sa 12 nayun, yung iba extending na! Anyway, ang kwento ko e one time, may INTERNATIONAL pharmacy conference na gaganapin sa, hold your horses…sa Manila! Which is like 12 tumblings away lang! So ang aking room mate, sumali kagad! Present kagad ng paper! Opportunity ito e! Ang ibang classmate naman, next time nalang daw, ‘kakatamad’ daw kasi. Parang gusto kong magbigti! Una sa lahat, ang next time ay sa US of A na!!!! As in Amerika! Ungas talaga (sorry, di ko napigilan) at pangalawa, may gulay, ayan na yung opportunity o, sinasampal sampal kana tapos maarte kapa! Hay. Ayun nga, sayang kasi di nila natikman yung komperens na yun. Sayang yung mga papers na binahagi doon, mga speakers, lahat na! Dahil lang sa tinmad silang tumambling. Hay buhay. So ayun, anyway, I’m glad at concerned kang kaibigan. God bless sa iyo. 🙂

    Like

    • Yo! Ngayon ko lang po nabasa ‘to. Ibig-sabihin lang, kung nandiyan na ang pakakataon at ang tanging negating force ay ang katamaran mag-exert ng effort, better grab the opportunity right away. Ang pangit po kasi at masama sa pakiramdam na in the future, we’re going to look back and regret what we have missed (just because we’re lazy at the moment).

      Update ko lang ‘yung kwento ko sa itaas. Eventually, natauhan naman po si Classmate 5 at nagpasa rin ng kanyang application form (talagang last minute). At nakapag-take din naman siya ng UPCAT.

      Salamat po sa pagkukwento. At salamat din sa pagbisita!

      Like

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s