Ang Aking Telenobela

Ikaw ang langit ng lupa.
Ikaw ang bidang kontrabida.
Ikaw ang ipinagpalit na sanggol.

Ikaw ang instrumento sa pagmamahalang mapusok.
Ikaw ang anak ng kaaway na angkan.
Ikaw ang bunga ng maling pag-iibigan.
Ikaw ang kaparehas ng kasarian.
Ikaw ang biktima ng kinonsinteng karahasan.
Ikaw ang may dangal na ibinenta ng isang gabi.
Ikaw ang mangmang sa edad na katorse.
Ikaw ang pagbigkas sa pangakong nabitin.
Ikaw ang tunog sa pagputok ng baril.
Ikaw ang nagdurusa sa sumpa ng pantasya.
Ikaw ang mukhang hindi kailanman gaganda.
Ikaw ang dulo ngunit may hangganan.
Ikaw ang ngayon at bukas, ngunit hindi magpakailanman.
Ikaw ang aking telenobela.
Kaya hindi pwede.

Advertisements

7 responses to “Ang Aking Telenobela

  1. ayan nag rate ako para maabangan naming mga mambabasa ang iba mo pang mga cliche, ang sequel ng iyong tula. malaya ang iyong tula, naiisip ko lang kung paano gumawa ng tula na walang halong damdamin. minsan gusto kong subukan, ngunit tila napupuno ng emosyon, parang naka-tanikala.

    Like

    • Hehehe. Sineryoso pala ‘yung “rating” thing. XD

      Sa totoo lang po, tingin ko ay may nailagay pa rin akong emosyon sa tula kong ito. May isang bagay kasi akong naiibigan sa tula. Ito ang kakayahan nitong magtago ng tunay na nararamdaman, ng suliraning kinakaharap. Sa tula, tanging makakahulugang salita lang ang sandata ko, at sa ganoong armas, maaaring napapawi nang panandalian ang anumang problemang aking nararanasan.

      Mahirap pong gumawa ng tulang walang emosyon. Hindi ganoon kadaling maging imaginative kung hindi mo nararanasan ang isang bagay na nais mong isatitik at ikwento. Dati, noong inosenteng-inosente pa po ako, as in walang walang wala pa talaga akong karanasan sa pag-ibig (pero wala pa rin naman hanggang ngayon, pramis!), ang hirap umisip ng konsepto dahil ni ako ay walang direksyong patutunguhan. Kaya mahalaga sa pagsusulat ang tula ang emosyon, dahil ito ay nagsisilbing gabay sa kung ano ba ang nais tahakin ng iyong panitikan.

      Like

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s