Isang Tulog na Lang

Isang tulog na lang at pasukan na naman
Kinakabahan ng todo ang kaluluwa ni Juan
Kase ba naman, muli nyang mapagmamasdan
Ang mga mukhang, ilang buwang hindi nasilayan

Isang tulog na lang at balik na muli sa dating gawi
Bawas oras sa Facebook at kasama ang librong magpapagabi
Eto muli’t bespren na naman si manong kape
At pagdating ng umaga, si kabayang eyebug ang babati

Isang tulog na lang at makakaharap na ang mga guro
Si terror teacher 1, teacher 2, at ang principal kuno
Pahirapang muli na makapagpasa ng proyekto
Pwede bang i-extend ang deadline sa susunod na linggo?

Isang tulog na lang, balik na sa apat na sulok ng kwarto
Makikipagtitigan sa pader, kisame, banyo at semento
Pero bago ko makalimutan, senior na nga pala ako
At ang klasrum ng seniors, ay naku po, walang banyo!

Isang tulog na lang at araw-araw ng may leksyon
Quiz, assignment, participation at recitation
Ang maging bestfriend si seatmate ay isang intensyon
Hihingi kasi ng one-fourth dahil may test yata ngayon

Isang tulog na lang, at kwentuhan na naman
Kasama ang kaklaseng swak na swak sa hiritan
Eto na naman at sa assignments ay magkokopyahan
At pagdating kay crush, hayyy, puro na naman ulitan

Isang tulog na lang at eto na naman
Isang tulog na lang at torture na naman
Basta’t ang sigurado, mga kaklase excited kinabukasan
Paano ba kasi’y bukas po, ang unang araw ng pasukan

Advertisements

10 responses to “Isang Tulog na Lang

    • Napaka-studious niyo naman. Ako inaatake po ng katamaran paminsan-minsan. Hahahaha! Salamat po sa pagbisita! Na-follow ko na po ang inyong blog at kung may oras po ako, pipilitin kong mag-back read sa inyong pahina. 🙂

      Like

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s