Paano Ko Sasabihin?

Paano ko sasabihin, ang mga tinatagong saloobin

Paano ko pipigilan ang bugso ng damdamin

Sa aking paggising, ikaw lamang ang hiling

Isang tanging hiling na matagal ko nang itinuturing

Paano ko sasabihin, kung wala kang ideya

Paano ko ipadarama, kung sa iba, ikaw ay masaya

Saksi ang mga tala sa aking mga pangarap

Alam din ng isipan na ikaw ang tanging hanap

Paano ko sasabihin, kung gusto mo lamang ay kaibigan

Paano ko sasabihin, kung ayaw mo man lang pakinggan

Bakit ang tadhana ay ayaw tayong paglapitin

Bakit hindi mapasakamay ang aking mithiin

Paano ko sasabihin, kung wala ng pag-asa

Paano ko pipigilan ang sarili, kung hanggang ngayon ay umaasa

Na ako ay isang taong handang tanggapin

Anumang pag-ibig, basta sayo nanggaling

Paano ko sasabihin, ang aking nadarama

Paano ipagtatapat ang pagmamahal noon pa

Isang sikretong pagtingin muna nang tayo ay magkakilala

Totoong pagtingin na hanggang ngayon ay dala

Paano ko sasabihin, kung hanggang ngayon ay takot

Paano malalaman kung reyalidad ay masalimuot

Sa pagtatapos ng tulang ito, iyo sanang sagutin

Ang malalim na katanungang — paano ko sasabihin

Advertisements

10 responses to “Paano Ko Sasabihin?

    • Off topic po ito ah. Hindi ko po matandaan pero ang hinuha ko ay napabilang kayo sa mga nangingibabaw na paskil sa WordPress Tagalog o sa Top Posts ng WordPress Filipino. 🙂 May masama po ba?

      Like

      • wala, just curious kung paano nagkaroon ng di ko kakilala na napadpad sa blog ko. Sorry if I scared you..Hehehehe, astig nga pala nung poem. Isa ka talagang makatang Pilipino!!

        Like

  1. Dwight, I was contemplating to ask the same question several days ago. ha. But I’ve finally decided to leave that thought alone. 😉
    Your talent in poetry is fairly good. Keep them coming!

    Magandang araw kaibigan! 🙂

    Like

  2. bago maipahayag ang iyong paghanga-hanga,
    ng iyong damdami’y di magawang ipakita

    kung di BUO ang iyong, LAKAS-LOOB at PAGTITIYAGA
    malamang damdamin mo’y maiwang
    nakatunganga.

    kaya’t habang di pa huli ang lahat
    dapat gumawa ng tama. (bow)

    kayganda ng iyong tula……….kaibigan.

    Like

    • Whoa! Salamat po! Noong nakaraang taon ko pa isinulat ang tulang ito. Maaaring may pagdadalawang-isip ako noon tungkol sa pag-ibig kaya ko naisipang isatitik ang nararamdaman ko. Pero dahil 2012 na ngayon, mas mabuting ilagay ko na lang ito sa kategorya ng piksyon. XD

      Salamat sa patulang komento.

      Like

      • hahaha, talaga. di halata, ang mga kataga kasi’y di kaylanman nagpapahayag ng panahon, maliban na lang kung ang panaho’y hayagang inilathala…

        ang komento ko dito ay aking ipinaskil din sa aking blog, kasama ang link ng iyong katha. magandang araw sa iyo, dwight d. masarap namnamin ang ating wikang pambansa.

        Like

  3. Pingback: “bago maipahayag ang iyo… | 25pesocupnoodles·

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s