Bagsak

Lumabas na ang resulta ng Licensure Examination for Teachers kahapon. Hindi ako guro ngunit nagkaroon ako ng pakielam na buksan ang mismong website ng mga listahan ng pangalan. Kulang-kulang dalawampu’t limang persyento lamang ng lahat ng kumuha ng pagsusulit ang nakapasa. At sa hindi maipaliwanag na pag-ikot ng mundo, sa isang inaabangang araw, sandaliang dumugo ang napakaraming mga puso.

Hindi nakapasa ang tito ko. Pangatlong kuha na niya ng nasabing pagsusulit. Sa totoo lamang, palagi kong ipinagdadasal na sana ay makapasa na siya roon. Ngunit tila mapait pa rin ang kapalaran sapagkat paulit-ulit ang nakukuha niyang resulta. Palaging wala ang pangalan niya.

Karapat-dapat palakpakan ang mga pumasa sa unang pagkakataon ng kanilang pagkuha ng pagsusulit, ngunit mas dapat papurihan at hangaan ang mga bumagsak. Sapagkat sa kabila ng kanilang pagbagsak ay ang kanilang patuloy na pagbangon. Sigurado akong kukuha pa sa pang-apat na pagkakataon ang aking tito, at ito ay simbolo ng pagsisikap at mas lalo pang pinagtitibay na determinasyon upang makamit ang inaasam na tagumpay.

Natutunan ko ang isang bagay sa pagkakatong ito. Kung ilan o karamihan sa mga gurong nakapasa ngayon ay inabot ng dalawa, tatlo, apat o maging sampung ulit sa pagsusulit bago pumasa, hindi ba’t mas masarap lasapin ang bunga ng kanilang pagpupunyagi? Kung noong unang beses pa lamang ay pasado na agad sila, matututo kaya sila ng ibayo pang pagsisikap at pagtanggap sa kabiguan? Marahil hindi, kung kaya’t dapat ding saluduhan ang mga nakapasa ngayon sa kabila ng napakaraming beses nilang pagkabigo. Mas masarap nilang niyayakap ang tagumpay, dahil alam nila sa kanilang sarili na sila ay mas matalino at mas malakas. Hinulma sila ng maraming beses na pagbagsak upang mas maging mabuting nilalang.

Madaling sabihin ngunit mahirap gawin. Pero sana ay palagi nating maitanim sa isipan sa positibong pananaw na ang pagbagsak ngayon ay may kaakibat na dahilan. Ang pagkabigo ay nagbubukas ng maraming pintuan para sa pagpapakabuti. At kapag bumagsak ng hindi mabilang na beses, mas kapana-panabik ang paglipad sa ere.

Advertisements

7 responses to “Bagsak

  1. salamat sa pa-palow. nagustuhan ko ang katanungan mong ito, “hindi ba’t mas masarap lasapin ang bunga ng kanilang pagpupunyagi?”, tunay ngang napakasarap, kumpara sa isang bandehadong parangal na bunga ng isang pagpapanggap at pagkukuwanri.

    nais kong mabasa mo ito:

    “nanaisin kong isuka ang mga bagay na kusang inihahain ng mga gahamang nagkukubli sa kinang ng kalikasan, datapwat pagpapahalaga ang dapat sa mga biyaya buhat ng pansariling pagsisikap”

    sa kumpleto at madalian link, sana matunghayan mo ang lahat ng kabanata: http://25pesocupnoodles.wordpress.com/2012/03/01/kinang-ng-kalikasan-o-masukal-na-kagubatan-2/

    aabangan ko po ang iyong muling pagbisita at pagbabalik..

    Like

  2. Sa susunod na pasukan ay nasa ikahuling taon na ang pamangkin ko sa kolehiyo at kumukuha siya ng kursong edukasyon. Kung ano man ang kahihinatnan ng kaniyang piniling karera sa buhay, hangad ko ang kaniyang tagumpay.

    May kaniya-kaniyang panahon ang lahat. Kung magsisipag pa ang tito mo at hahanapin kung saan pa siya nagkukulang, malamang eh makakapasa na iyan.

    Kailangan pa naman natin ng mga guro dito sa ating bansa. 🙂

    Like

    • Sana nga po ay makapasa na ang aking tito. Graduate po siya ng BS Chemistry ngunit kinalaunan ay pinili niyang kumuha ng kurso sa pagtuturo. Forty years old na po siya at noong nakaraang taon niya lamang naisipang kumuha ng pagsusulit. Pero kahit makapasa po siya, hindi pa po niya iiwan ang pagtuturo sa pribadong paaralan. Sa palagay ko po, ang pagpasa sa Board Exam ay parang pagkakaroon ng contentment sa kanyang sarili. 🙂

      Like

  3. Magaling magaling. Nakakatuwa ang iyong pananaw tungkol sa kabiguan. Nawa’y mabasa ito ng 75% na hindi nakapasa sa LET para naman hindi sila mawalan ng pag-asa. Nais ko ring maging guro balang araw.

    Like

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s